Janella Salvador, ikwinento na mas naging close sila ng kanyang inang si Jenine Desiderio simula nang maging mommy siya

Talagang kilala ng karamihan si Janella Salvador bilang isa sa mga batang artista na may kahusayan sa pag-arte. Bukod sa kagandahan at galing sa pag-arte ay hindi rin maitatanggi ang talento niya sa pag-awit.

Credit: @superjanella Instagram

Sa murang edad ay sobrang successful na ng kanyang career bilang isang artista pero hindi rin sikreto ang madalas na hindi nila pagkakaintindihan ng ina na si Jenine Desiderio.

Sa vlog ni Vicki Belo kung saan nakapanayam niya si Janella ay isiniwalat ng aktres kung paano sila nagkalayo at nagkamabutihan muli ng loob ng kanyang ina na si Jenine.

Credit: @superjanella Instagram

14 taong gulang pa lamang si Janella nang pumasok siya sa showbiz. Ayon sa aktres ay simula nang siya’y naging artista ay doon din nagsimula ang madalas na hindi nila pagkakasundo ng magulang.

“I guess it started not being stable when I was a teenager and I wanted to, you know, explore, have fun. And she was scared of letting go. I’m her only girl, so she was having a hard time accepting that,” sabi ni Janella.

Sa murang edad kung saan gusto ni Janella na mas makasama ang mga kaibigan at mag-enjoy ay mariin naman ang naging pagtutol ng kanyang ina dito.

Credit: @superjanella Instagram

Maaalala rin noong taong 2017 nang nag-post si Jenine sa social media tungkol sa kung gaano katigas ang ulo ng anak na si Janella dahilan para bumukod ang aktres at tuluyan na ngang nawalan ng komunikasyon ang mag-ina.

Sa ilang taon nang sila’y nagkalayuan ng loob ay inamin ni Janella na nas@ktan rin siya sa nangyari pero ayon sa aktres ay nagsimula umano silang nagkaintindihan muli ng ina nang naging mommy na rin siya sa anak nila ng boyfriend na si Markus Paterson na si baby Jude.

Credit: @superjanella Instagram

“It’s more of a rocky relationship. Di kami magkasundo with many things but ever since I became a mom now, actually, I have appreciated her more. And even if minsan, ‘di pa rin kami magkasundo, it’s more stable now… our relationship,” pag-amin ni Janella.

Ibinahagi naman ni Janella ang aral na natutunan niya sa naging alitan ng ina.

Credit: @superjanella Instagram

“No matter how independent you feel you are, lalo na as a teenager… no matter how much you feel like you can do it on your own, I feel like you should always make your parents feel like somehow you still need them because, as a mom now, I understand. Even if you live your own independent life, always remember your parents din. Don’t completely cu+ them off,” advise ni Janella.

Talaga namang ang pagiging new mommy ni Janella ang naging tulay upang mas gumanda ang relasyon ng mag-inang Jenine at Janella.