Janella Salvador, inaming sobra siyang nainis sa isang intern ng ospital matapos na ipagkalat nito ang kanyang pagbubuntis

Kapag ikaw ay naging isang ina o isang magulang, ang unang bagay na nais mong gawin ay protektahan ang iyong anak mula sa kalup!tan ng mundo.

Credit: @superjanella Instagram

Isa rin ito sa napakaraming dahilan kung bakit pinili ng batang aktres at mang-aawit na si Janella Salvador na ilihim muna sa lahat ang kanyang pagbubuntis sa panganay na anak nila ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson.

Ngunit hindi tuluyang nailihim nina Janella ang kanyang pagbubuntis dahil isang buwan bago siya manganak ay kumalat ang mga balitang siya ay buntis.

Muling sinariwa ni Janella ang kanyang pregnancy journey nang mag-guest siya sa podcast ng mag-asawang vlogger na sina Slater Young at Kryz Uy na “Skypodcast”.

Credit: @superjanella Instagram

Sa podcast, ikwenento ni Janella kung paano niya sinabi sa kanyang inang si Jenine Desiderio ang kanyang pagbubuntis.

Ayon kay Janella, hindi sa kanya unang narinig ni Jenine ang balitang siya ay buntis dahil una umano nitong nalaman sa ibang tao ang balita.

Ani Janella, “I think she found out because of, I think may kumalat. The annoying thing is, before I was able to tell her…because I told her when I was four months na. ‘Cause I was really nervous about it. I didn’t tell her agad. I was super nervous.”

Sabi pa ni Janella, labis siyang nainis sa isang intern ng ospital kung saan siya nagpa-check up dahil ipinagkalat umano nito ang kanyang pagbubuntis.

Credit: @superjanella Instagram

Saad ni Janella, “I already had my check-up when I went to the hospital. One of the interns, like, spread the news. So, it was kind of scary. I was so p!ssed, honestly, ‘cause these are things that you would want to tell your family members personally.”

Inamin naman ni Janella na sobrang natakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang ina noong sinabi niya na siya ay buntis.

Aniya, “When I told her that I was pregnant, it was via video call lang…So, I had to call her. I was so nervous. I had to call her via video call and she was poker face lang.”

Dagdag ni Janella, “When I told her, ‘Mama, I need to tell you something,’ ganyan. And then she was, ‘What? You’re pregnant?’ It was so scary.”

Credit: @superjanella Instagram

Matatandaang September 2020 unang lumabas ang balita ng pagbubuntis ni Janella. Noong mga panahon naman na pumutok ang balitang siya ay nagdadalang-tao ay nakalipad na si Janella patungong London na hometown ni Markus.

Kasama rin nila na nagtungo sa London ang nanay ni Janella na si Jenine at ang kanyang nakababatang kapatid.

January ng taong ito, kinumpirma nina Janella at Markus sa lahat na sila ay ganap na mga magulang sa pamamagitan ng pag-upload ng isang video na nagdodokumento ng kanilang pregnancy journey sa kanilang YouTube channel.