Janella Salvador, kinumpirma na isa na siyang ganap na ina; ipinakilala ang anak nila ni Markus Paterson na si Jude Trevor

Isa nang ganap na ina ang actress-singer na si Janella Salvador. Sa pamamagitan ng isang vlog na nagpapakita ng kanyang pregnancy journey ay ipinakilala ni Janella at ng kanyang nobyo na si Markus Paterson ang kanilang anak na pinangalanan nilang Jude Trevor.

“Hey Jude,” simula ni Janella sa vlog.

Credit: @superjanella Instagram 

Patuloy ng actress-singer, “as I compose this I am staring at your perfect little face with all the love I didn’t know I had in me. Feeling so many emotions but mostly excited that we’re ready to finally introduce you to the world.”

Inamin ni Janella na kinakabahan siya na dumating ang araw na ibabahagi na niya sa mundo ang kanyang anak dahil alam umano niya kung gaano kalup!t ang mundo.

Credit: M & J & J YouTube

Ani Janella, “If I’m going to be honest, I was quite nervous about this day because I know how harsh the world can be. If your dad and I could have you to ourselves forever in our own quiet little world, we would.”

At kahit gaano man umano nila kagusto ni Markus na panatilihin na lamang sa kanilang sarili ang tungkol sa kanilang anak ay hindi umano ito puwede dahil anila, “too precious” umano ito para hindi ibahagi sa mundo.

Credit: M & J & J YouTube

Ani Janella, “But that would be selfish. You’re too precious to not be shared. The world deserves to see the precious smiles you give us — the ones that melt our hearts. The world deserves to see you gröw into your own unique self.”

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe para kay Jude, sinabi ni Janella na lubos niyang naiintindihan ngayon kung ano ang nararamdaman ng bawat ina noong dumating sa kanila ang kanilang anak.

Credit: @superjanella Instagram

Samantala, sinabi naman ni Markus na noong una niyang makita ang kanilang anak, alam umano niyang gagawin niya ang lahat upang maprotektahan ito.

Ani Markus, “To my son, my first-born, my darling boy, there aren’t enough words to express how much love I have for you. The minute I saw you I knew I would do anything in this world to protect you. And I can’t wait to introduce you to the world and hold you in my arms even until you think it’s uncool and get mad at me as you walk off to your friends. And yes, I will be that dad.”

Base sa video, isinilang ni Janella ang kanilang cute baby boy noong October 20, 2020 sa London, United Kingdom. Isinapubliko naman ng magkasintahan ang kanilang relasyon noong September 2020.