Janine Gutierrez, certified Kapamilya actress na matapos ang 9 na taon na pagiging Kapuso!

Sa pagpasok ng bagong taon ay lumipat na ng bagong network ang aktres na si Janine Gutierrez. Mula noong January 15 ay certified Kapamilya star na si Janine matapos siyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN network.

Credit: @janinegutierrez Instagram    

Present sa contract signing ang mga executive ng Kapamilya network tulad nina Rick Tan (Group Chief Financial Officer), Cory Vidanes (Chief Operating Officer of Broadcast and Head of Creative Programs), Carlo Katigbak (President at CEO), Mark Lopez (Chairman), Deo Endrinal (Dreamscape Entertainment head) at ang manager ni Janine na si Leo Dominguez.

Credit: @janinegutierrez Instagram

Ayon sa artikulong inilathala ng ABS-CBN entertainment, mapapanood si Janine sa Sunday variety show na “ASAP.

May gagawin ding isang teleserye si Janine sa ilalim naman ng Dreamscape Entertainment at isang movie project sa ilalim ng Star Cinema production. Masaya namang winelcome si Janine ng ilang Kapamilya artists.

Credit: @janinegutierrez Instagram

Sa kanyang Instagram post na may caption na “Hello Kapamilya!” ay bumuhos ang mga komento ng mga kasamahan ni Janine sa ABS-CBN network.

Ayon kay Angelica Panganiban, hindi na siya makapaghintay na makatrabaho si Janine.

Ani Angelica, “Can’t wait to work with you.”

Nag-reply naman si Janine sa komento ni Angelica at sinabing “dream” niyang makatrabaho ito.

Credit: @janinegutierrez Instagram

Saad naman ni Barbie Imperial, “Welcome Kapamilya!”

Maging ang mga kasamahan dati ni Janine sa GMA network ay nagpahayag din ng kanilang pagbati. Kabilang sa mga bumati kay Janine sina Lovi Poe at Carla Abellana.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta si Kapuso actor-dancer Rayver Cruz sa paglipat ng kanyang nobya sa Kapamilya network.

Mensahe ni Rayver, “Soar high my love, will always be your number one fan.”

Credit: @janinegutierrez Instagram

Matatandaang taong 2011 nang unang pumasok si Janine sa GMA Network. Bumida rin si Janine sa maraming Kapuso drama serye tulad ng Villa Quintana (2013), Victor Magtanggol (2018) at Dragon Lady (2019).

Sa mga hindi nakakaalam, si Janine ay nagmula sa angkan ng mga Gutierrez na kilala sa showbiz industry. Ang kanyang mga magulang ay ang mga batikang artista na sina Lotlot de Leon at Ramon “Monching” Christoper Gutierrez.

Credit: @janinegutierrez Instagram

Sa kani-kanilang Instagram account ay binati nina Lotlot at Monching ang kanilang panganay na anak.