Janno Gibbs, napiling i-pr@nk call ng magkakaibigang Aiko Melendez, Carmina Villarroel at Gelli de Belen

Nagkaroon ng reunion ang magkakaibigang Aiko Melendez, Carmina Villarroel at Gelli de Belen kamakailan lamang matapos ang ilang buwan nilang hindi pagkikita.

Credit: Aiko Melendez YouTube

Sa pinakabagong vlog ni Aiko, mapapanood ang masayang bonding nilang magkakaibigan sa isang sikat na coffee shop.

Mariin namang pinabulaanan ni Aiko sa simula ng kanyang vlog ang mga haka-hakang hindi raw sila okay na magkakaibigan ngayon.

Credit: Aiko Melendez YouTube

Paglilinaw ni Aiko, kaya hindi sila madalas na nagkikitang magkakaibigan ay dahil sa mga ipinapatupad na safety pr0tocol ng gobyerno ngayong panahon ng p@ndemya.

Sinabi rin ni Aiko na kahit hindi sila nagkikita nang personal nitong mga nakalipas na buwan, nag-uusap pa rin naman daw silang magkakaibigan sa pamamagitan ng isang video call o messaging app.

Credit: Aiko Melendez YouTube

At dahil matagal-tagal din silang hindi nagkitang magkakaibigan kaya naman nais umano nilang sulitin ang panahon na kasama nila ang isa’t isa.

Naglaro nga silang magkakaibigan ng Spin the Wheel para gawing masaya ang kanilang muling pagsasamang magkakaibigan.

Credit: Aiko Melendez YouTube

Sa kanilang bersyon ng Spin the Wheel, ipinaliwanag ni Aiko na sinuman sa kanila ang mapili ay kailangang gawin ang mabubunot nitong challenge.

Una namang napasabak si Aiko sa kanilang laro kung saan ang nabunot niyang challenge ay amuyin ang kilikili nina Carmina at Gelli at ikumpara ang amoy ng mga ito sa isang putahe.

Credit: Aiko Melendez YouTube

Samantala, isa naman ang actor-singer na si Janno Gibbs sa mga ginawan nilang magkakaibigan ng isang pr@nk.

Credit: @jannolategibbs Instagram

Si Janno ang napili nina Gelli at Aiko na maging b!ktima ng gagawing pr@nk call ni Carmina.

Base kasi sa nabunot na challenge ni Carmina, kailangan niyang pumili ng isang contact sa kanyang cellphone na nagsisimula sa letter J ang pangalan at tawagan ito para sabihin ang linyang, “Ano? Mga bata lang natakasan ka pa? Habulin mo ang mga bata at siguraduhin mong walang makakatakas.”

Credit: Aiko Melendez YouTube

Tila nahalata naman ni Janno na pina-pr@nk lamang siya ni Carmina dahil hindi man lang ito nag-react.

Simpleng “Oh?” lamang ang naging reaksyon ni Janno sa sinabi ni Carmina.

Credit: Aiko Melendez YouTube

Sa huli ay napuno ng tawanan ang kanilang paglalaro na magkakaibigan.

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang matibay na pagkakaibigan nina Aiko, Carmina at Gelli ay nabuo sa youth-oriented show ng GMA 7 na “That’s Entertainment.”