Janus del Prado, pinawow ang netizens sa kanyang bagong weight goal na na-achieve sa loob lamang ng halos limang buwan!

Isa sa mga New Year’s resolution ng aktor na si Janus del Prado ngayong taon ay ang magbawas ng timbang.

Credit: @janusdelprado Instagram

At makalipas lamang ang halos limang buwan mula nang simulan niya ang kanyang weight loss journey ay malapit nang ma-achieve ni Janus ang kanyang fitness goal.

Credit: @janusdelprado Instagram

Maraming netizens ang nagulat at na-inspire matapos ibahagi kamakailan ni Janus sa kanyang Instagram na 60 pounds o higit pa sa 27 kilo ang nabawas sa kanyang timbang mula sa 210 pounds noong February 1 kung kailan niya sinimulan ang kanyang fitness journey.

Credit: @janusdelprado Instagram

Isang ‘before and after’ picture ang ipinost ni Janus sa kanyang Instagram post. Weight goal talaga ni Janus na makapagbawas ng 70 pounds mula sa dati niyang timbang na 210 pounds. Kaya naman mula noong nakaraang May 8, 10 pounds na lamang ang kailangan niyang ibawas sa kanyang timbang para ma-achieve niya ang kanyang weight goal.

Credit: @janusdelprado Instagram

“210lbs – 150lbs. 10lbs na lang ayaw pa matanggal. Eh basta! Kaya yan! Let’s YouJizz! … este… Let’s do this! 😆😅✌️ #roadto140lbs #stuckat150lbs #weightlossjourney #fitnessjourney #goodvibesonly #titogoals #tonewbeginning” caption ni Janus sa kanyang Instagram post.

Credit: @janusdelprado Instagram

Sa kanyang naunang fitness goal update, sinabi naman ni Janus na kailangan niyang magbawas ng timbang dahil sumobra sa nararapat na timbang para sa kanyang height ang kanyang timbang ngayon.

Para naman kay Janus, walang mali sa pagiging chübby basta’t masaya at malusog lamang umano ang isang tao.

Credit: @janusdelprado Instagram

Pahayag ni Janus, “And to those chubby people na ok lang sa pagiging mataba go lang as long as you’re happy and healthy. Sarap kaya kumaen.”

Naniniwala rin si Janus na kung kaya niya ay kaya rin ng ibang tao na magbawas ng timbang lalo na para sa kanilang kalusugan at kaligayahan.

Credit: @janusdelprado Instagram

Aniya, “Pero kung kailangan na para sa health at happiness, maybe ito na yung time na mag balik alindog program. Remember paps, kung kaya ko, mas kaya niyo. Matigas ulo ko eh. Hehe. Labyu.”

Credit: @janusdelprado Instagram

Samantala, masaya naman ang mga kaibigang artista ni Janus kung nasaan na siya ngayon sa kanyang fitness journey. Kabilang sina Judy Ann Santos, Camille Prats at Giselle Sanchez sa mga masaya at sumusuporta sa journey ni Janus patungo sa mas malusog na pangangatawan.