Jason Abalos at Vickie Rushton, may sweet na revelation: “Patutugtugin na ang kampana!”

Sa wakas, matapos ang mahigit isang dekada bilang boyfriend at girlfriend ay napagdesisyunan na ng couple na si Jason Abalos at Vickie Rushton na dalhin na sa susunod na level ang kanilang relationship.

Credit: @vimrushton Instagram

Unang nagkakilala si Jason at beauty queen na si Vickie Rushton sa Bacolod noong tang 2010 at simula ‘nun ay halos hindi na sila mapaghiwalay. Matapos ang mahigit anim na buwan simula nang kanilang unang interaction, tsaka lamang na-realize ng aktor na gusto niya si Vickie ngunit mas pinili ng dalawa na itago muna ito sa publiko hanggang sumali at nanalo nga si Vickie sa Mutya ng Pilipinas.

Katulad ng ibang couple, dumaan din sa mga problema at minsan na rin na nasubok ang kanilang relationship ngunit nagawa naman nila itong lagpasan. Sa paglipas ng mahabang panahon, nananatili pa rin na matatag ang dalawa dahilan kung bakit patuloy ang kilig at paniniwala ng kanilang fans na may forever nga!

Credit: @vimrushton Instagram

Matapos inanunsyo sa publiko ang kanilang relationship, palagi nang magkasama ang couple sa bawat function at events sa showbiz. Sa wedding ni Kaye Abad at Paul Jake Castillo noong 2016, magkasama rin na dumalo si Vickie at Jason. Bukod dito, mahilig din sila mag-travel nang magkasama.

Matapos ang mahigit isang dekadang pagsasama bilang magkasintahan, masayang inanunsyo ng couple sa kani-kanilang Instagram account ang sweet na revelation kung saan ay sobrang kinakiligan ng fans ang naging caption ng aktor kalakip ng ibinahagi niyang larawan nila ng fiancee habang magkayakap.

“Habambuhay ko pasasalamat ang Panginoon sa buhay mo Baba. Patugtugin na ang kampana! 😘❤️ 9/1/21 she said “syempre,” kuwento ni Jason.

Credit: @vimrushton Instagram

Sa post naman ng beauty queen sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang handprint sa buhangin kung saan ay nilagay niya ang engagement ring sa palasingsingan.

“So, Baba and I have been keeping a little secret… 🤍” sulat ni Vickie sa kanyang caption.

Sa rebelasyong ito ng couple, kaagad naman na nagpahayag ng pagbati at positibong komento ang kanilang fans at kapwa celebrities.

Credit: @vimrushton Instagram

“Congratulations dear ❤️,” pagbati ni Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach at kapwa beauty queen ni Vickie.

“Congratulations kuya and nang gwapa!!! 🥳💕” Komento ni Sue Ramirez.

Ngayon na engaged na ang dalawa, mas naririnig na ngayon ng kanilang fans ang tunog ng kampana.