Jason Abalos, sinabing panahon na para bumuo sila ng pamilya ng kanyang girlfriend na si Vickie Rushton

Pareho mang busy sa kani-kanilang trabaho sa industriya ng showbiz sila Jason Abalos at Vickie Rushton ay hindi ito naging hadlang para sa magkasintahan upang patatagin pa ang kanilang relasyon.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Taong 2010 nang unang nagkita ang Kapuso actor na si Jason at si Vickie sa Bacolod at magmula noon ay hindi na sila mapaghiwalay. Sa paglipas ng panahon ay may kumakalat na usapan tungkol sa non-showbiz girlfriend ni Jason at natuklasan lamang ng publiko kung sino ito nang sumali si Vickie sa Pinoy Big Brother: All In.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Simula nang napabilang si Vickie sa mundo ng showbiz ay tuloy-tuloy ang pagtanggap niya ng mga proyekto. Bukod sa pagsabak sa pag-arte ay kilala rin ang pangalang Vickie Rushton sa mundo ng pageant dahilan para mas makilala siya ng karamihan.

Sa katunayan ay nakatakda na si Jason at Vickie na ikasal noong 2020 pero ito ay ipinagpaliban muna dahil napagkasunduan nilang pareho na magfo-focus muna si Vickie sa pageant world.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Hindi naman naging tutol ang aktor sa nais ng girlfriend at sinusuportahan pa nga niya si Vickie sa pag-pursue ng career nito bilang isang beauty queen.

Sa naganap na online conference ng Viva Films para sa pagbibidahang pelikula ni Jason na “Silab” ay nasabi ng aktor na hinihintay niya ang girlfriend na matapos sa pagsali ng mga beauty pageants para tuluyan na nga silang mag-settle down.

Credit: @thejasonabalos Instagram

“Matagal na ‘kong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant, so tingin ko… iyon na ‘yun. Talagang sabi ko na, ‘tama na iyan. Di ka na pwede. Tayo naman,’” sabi ng aktor.

Ayon pa kay Jason ay suportado naman niya si Vickie sa lahat ng gusto nito at nirerespeto niya ang passion ng girlfriend bilang beauty queen pero naisip rin ng aktor na oras na para bumuo sila ng pamilya.

“Talagang hinayaan ko siyang lumarga, gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya. So ngayon, siguro panahon na para bumuo ng pamilya,” dagdag pa ni Jason.

Credit: @thejasonabalos Instagram

Maaalala noong June 11 ngayong taon nang i-anunsyo ni Vickie sa Instagram ang kanyang retirement sa mundo ng pageantry.

“As much as I don’t want to, I need to close this chapter in my life,” pag-anunsyo ni Vickie.

“I never imagined this journey would end this way but maybe it’s time to dream a new dream 🦋.”

Sa retirement ni Vickie ay inaasahan ng karamihan ang nalalapit na pagpapakasal nila ng boyfriend nitong si Jason Abalos.