Jason Francisco, masayang ipinagdiwang ang kanyang 33rd birthday kasama ang pamilya sa isang napakagandang resort sa Batangas

Masayang ipinagdiwang ni Jason Francisco ang kanyang ika-33 taong kaarawan nitong October 11. Kasama ang kanyang asawang si TV host-actress Melai Cantiveros at ang dalawang anak na sina Amelia Lucille at Stella Rosalind, masayang sinalubong ni Jason ang kanyang kaarawan sa The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram        

Sa Instagram ay nag-post si Melai ng isang larawan nilang mag-asawa kuha mula sa wellness hotel. Sa larawan ay makikita sina Melai at Jason na nag-nose-to-nose habang nakaupo sa tabi ng swimming pool ng hotel.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Kapansin-pansin naman sa ngiti ni Jason at Melai ang kasiyahan. Sa caption ay sinabi ni Melai na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil nagkaroon sila ng oras na makapag-bonding ni Jason bilang mag-asawa.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Aniya, “Bago matulog , Salamat Lord sa oras nga gihatag nmu sa amuang duha nga nakapag couple time mi kauban ka 🙏🙏🙏♥️♥️♥️” (Bago matulog, Salamat Lord sa oras na ibinigay mo sa amin para makapag-couple time kami na kasama Ka)

Ipinagdasal din ng TV host-actress na palagi silang gabayan ng Diyos sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Ani Melai, “Ubani mi kanunay Ginoo sa kalisud ug kalipay daygon ka permi Ginoo 🤍🤍🤍 With my X bf @jasonfrancisco11 Thank you @thefarmatsanbenito for the advance bday treat” (Samahan Mo kami palagi Panginoon sa kahirapan at kasiyahan puriin ka palagi Panginoon)

Sa isa pang hiwalay na Instagram post ay ipinost din ni Melai ang ginanap na birthday celebration ni Jason sa kanilang bahay.

Maliban kasi sa kanyang pre-birthday celebration na ginanap sa The Farm at San Benito ay nagkaroon din ng isang simpleng handaan si Jason sa kanilang bahay.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

“Happy Birthday Papang @jasonfrancisco11 , mahal ka nmin 💙💙💙,” ani Melai sa caption.

Bumuhos naman ang birthday greetings para kay Jason sa comment section ng IG post ni Melai.

Mensahe ng writer na si Darla Sauler, “Happy Birthday Papang! Melason forever! Love you both so much!”

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Ani Ogie Diaz, “Happy bday @jasonfrancisco11! Pare, mahal kita at mahal ko kayong mag-asawa.”

Saad ni Tom Rodriguez, “Happy birthday tol!”

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Samantala, kamakailan lamang ay natamo ng mag-asawa ang panibagong milestone sa kanilang vlogging career. Umabot na kasi sa mahigit 1 milyon ang kanilang subscribers sa kanilang Melason Official YouTube channel.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Sa ngayon, bukod sa kanilang vlog ay mapapanood din si Melai sa Kapamilya morning talk show na “Magandang Buhay” kasama sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.