Wala talagang ibang wawas@k pa sa ating puso kapag nakikita nating nahihirapan at pagod ang mahal natin sa buhay kaya naman kapag may pagkakataon tayo na mapagaan ang kanilang loob, hindi tayo nag-aatubuli na ibigay ito katulad na lamang ni Jason Francisco na sobrang maalaga sa asawa at mga anak.
Credit: Melason Family YouTube
Kaakibat ng kasikatang tinatamasa ngayon sa industriya ng showbiz, sobrang daming projects na natatanggap at programang sinasalihan ni Melai Cantiveros kaya naman halos hindi na siya nagkakaroon ng oras para makapagpahinga.
Kapag meron man, wala na siyang time para magpunta pa sa spa at magpa-massage kaya naman nagkaroon ng magandang ideya ang kanyang asawa na si Jason upang maibsan kahit papaano ang hirap at pagod ni Melai.
Sa pinakabagong vlog na ibinahagi ng MelaSon sa YouTube, sinurpresa ni Jason ang asawa ng massage chair at isang cute at kulay pink naman na recliner para sa kanilang chikiting na sina Mela at Stela.
Credit: Melason Family YouTube
“May bagong appliance tayo. At kayo (Mela at Stela), matutuwa din kayo. May surprise kami sa inyo ni Ate,” sabi ni Jason at kaagad namang na-excite si Stela.
Ayon pa kay Melai, feel na feel umano niya ang sarili na nasa eroplano kapag nakaupo sa pinakabago nilang massage chair.
“Ganun ‘yung feeling niyo, guys kapag nakaupo kayo sa ganito na massage chair,” ayon kay Melai.
Credit: Melason Family YouTube
Nang tinanong naman ni Melai ang asawa kung bakit umano dalawa ang binili niya, isa namang sweet na sagot ang ibinigay ni Jason.
“Para hindi na tayo maghintayan kasi mas maganda kapag magkasabay lagi,” sabi ni Jason.
Kilala bilang parehong funny at makwela, punong-puno ng biruan ang couple habang sinusubukan ang kanilang bagong massage chair. Of course, first time na magkaroon ng ganitong appliance, hindi nila pinalagpas ang pagkakataon na ibahagi ang kanilang experience.
Credit: Melason Family YouTube
“Sobrang sarap. Kagigising lang namin, parang gusto na naming matulog ulit. Talagang relaxing. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon tayo ng ganito. Akala ko sa panaginip lang,” saad ni Melai.
Credit: Melason Family YouTube
At dahil may surpresa ring recliner para sa mga anak, sobrang excited sina Mela at Stela nang sinubukan ito kung saan ay komportableng nag-share ang magkapatid sa pag-upo habang nag-eenjoy sa pagkain ng donuts at cookies.
“Guys, this is so cool. You might buy this because you can put your foot here and you can higa. And guys, you must bili that too (massage chair) because that’s for your massage ‘pag nata-tired ka,” komento ni Mela.