Talagang beauty and brains ang unica hija nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na si Jayda!
Credit:@jayda Instagram
Bukod sa pagiging anak ng dalawang sikat na personalidad sa industriya ng showbiz ay nagawa pa rin ni Jayda Avanzado na makabuo ng sariling pangalan at reputasyon. Namana niya ang good looks at kahusayan ng pag-awit sa mga magulang at kilala ngayon si Jayda bilang isang tanyag na batang singer sa showbusiness.
Busy man bilang isang rising star ay nagagawa pa rin ni Jayda na isabay ang kanyang pag-aaral. Sa katunayan nga ay isa siyang honor student noong nakapagtapos siya ng Junior High School dahilan para mas lalo siyang hangaan ng kanyang mga fans.
Credit:@jayda Instagram
Sa pagtungtong ni Jayda ng Senior High School ay nababalanse pa rin niya ang kanyang career at pag-aaral. Sa patuloy na paglago ng kanyang karera bilang isang singer ay nagsusumikap pa rin si Jayda na panatilihin ang pagiging honor student.
Ngayon na malapit na siyang makapagtapos ng Senior High School at malapit ng mag-kolehiyo ay nakatanggap si Jayda ng certification na nagpapatunay na siya ang First Honor sa klase noong nakaraang school year kung saan ay Grade 11 pa lamang siya.
Credit:@jayda Instagram
Dahil sa labis na kasiyahang naramdaman ay hindi mapigilan ni Jayda na ibahagi ang achievement sa Instagram.
“Currently finishing up on my senior year (4th year) of high school but i’m all smiles, as ya girl’s received her certificate for last school year 🤗🥳 ,” pahayag ni Jayda sa kanyang caption.
Sobrang proud naman si Jessa at Dingdong sa tagumpay na nakamit ng anak.
“Congrats anak! We are so proud of you!!!😘❤️❤️❤️,” komento ng Mommy ni Jayda na si Jessa.
“Always remain humble and teachable anak. Never forget all those that helped you along the way. Needless to say, we are so proud of you! 👏👏👏❤️,” sabi naman ni Dingdong.
Credit:@jayda Instagram
Marami naman sa mga fans ni Jayda ang natuwa para sa kanya. Nagpaabot din ng pagbati ang kapwa niya singer na si Zephanie Dimaranan.
Naging inspirasyon si Jayda para sa kanyang mga tagahanga lalo na ng mga kabataan. Talagang pinatunayan ng 18 taong gulang na singer na sa kabila ng pagiging busy sa career ay hindi niya napapabayaan ang pag-aaral at nagagawa pa nga na mag-excel sa klase.
Credit:@jayda Instagram
Sa ngayon ay abala si Jayda sa pagpo-promote sa kanyang mga kanta na “Bahagi” at “Tunay” na kapwa available sa Spotify, iTunes, Dezzer, at YouTube.