JC de Vera at asawang si Rikkah Cruz, ikinasal muli sa isang church wedding!

Ngayon lamang taon ay ini-reveal ng aktor na si JC de Vera na isa na siyang married man. Sa isang nakaraang panayam kasama ang kanyang kaibigan at co-star na si Erich Gonzales noong March, ikwenento ni JC na taong 2018 pa sila ikinasal ng kanyang non-showbiz partner na si Rikkah Cruz sa isang civil wedding.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Matatandaang nilinaw din noon ng hunk actor na hindi niya isinekreto na siya ay kasal na, nagkataon lamang umano na hindi talaga siya isang “ma-big announcement” na tao lalo na sa social media.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Ngunit kung may nagtatanong naman daw kung kasal na siya, kaagad naman daw niyang sinasagot ng, “Yeah, I’m married.”

Sa nasabing panayam ay ibinahagi nga ni JC na pagkatapos sanang manganak ni Rikkah sa kanilang panganay nila gagawin ang kanilang church wedding. Kaya lamang ay na-postpone ang kanilang plano dahil sa biglaang [email protected]

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Gayunpaman, iginiit ni JC na anong oras ngayong taon ay magaganap nga ang kanilang engrandeng church wedding. At nangyari na nga ang kanilang church wedding na mag-asawa ngayong buwan ng September!

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Kahapon, September 21, masayang inanunsyo ni JC sa lahat na ikinasal na sila ni Rikkah at sa pagkakataong ito sa isang simbahan na nga.

Inilabas din ng Nice Print Photography ang “first official wedding photos” ng celebrity couple sa kanilang Instagram account.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Katulad ng plano ng celebrity couple, bongga ang kanilang naging church wedding base na rin sa kanilang wedding photos.

Makikitang napakaganda at blooming si Rikkah sa suot niyang wedding gown na gawa ng kilalang Pinoy designer na si Francis Libiran. Habang dashing si JC sa kanyang suot na suit na dinesenyo naman ng designer na si Paul Cabral.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Ginawa namang magical ng international event organizer na si Gideon Hermosa ang venue ng reception ng kasal nina JC at Rikkah.

Sweet caption naman ni JC sa kanyang post, “We’re married for the second time around.”

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Samantala, sa isa pang nakaraang panayam, ibinahagi ni JC na nakilala niya si Rikkah, na mas bata sa kanya ng 7 taon, sa party ng isa niyang kaibigan. Matapos naman ang mahigit isang taon na panliligaw ni JC kay Rikkah, nakuha nga niya ang matamis nitong ‘oo’. Taong 2018 naman, pagkatapos ng kanilang civil wedding, winelcome nila ang kanilang napakagandang anak na si Lana Athena.