JC de Vera, inamin na ikinasal na siya sa kanyang non-showbiz partner na si Rikkah Cruz

Ikinasal na pala noong 2018 ang mahusay na aktor na si JC de Vera. Hindi ito alam ng marami lalo na’t napaka-pribadong tao ni JC at hindi niya ibinabahagi ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang personal na buhay sa social media.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Kaya naman nang ibahagi niya sa pinakabagong vlog ng aktres na si Erich Gonzales na kasal na sila ng kanyang non-showbiz partner na si Rikkah Cruz ay marami ang nabigla.

Nagkaroon ng pagkakataon si Erich na makakwentuhan si JC na co-star naman niya sa drama seryeng “La Vida Lena”.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Natanong nga ni Erich ang aktor kung kasal na ito sa kanyang non-showbiz partner na hindi naman nito itinanggi.

Ayon kay JC, ikinasal sila ni Rikkah sa isang civil wedding noong 2018 bago pa maisilang ang kanilang anak na si Lana.

Plano umano sana nilang mag-asawa na pagkatapos maipanganak ang kanilang anak ay magpapakasal sila sa simbahan ngunit nagka-p@ndemya umano kaya hindi ito natuloy noong nakaraang taon.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Kwento ni JC, “Ang nangyari kasi diyan, inuna talaga namin ‘yung civil wedding. Tapos lumabas si Lana. Then right after lumabas si Lana, dapat magchu-church wedding na kami. Eh nagka-pandemic, so na-move ulit,”

Dagdag pa ni JC, “anytime” ngayong taon ay mangyayari ang plano nilang mag-asawa na church wedding.

Aniya, “Mas gusto talaga namin ‘yung church. ‘Yung civil wedding, alam namin na dumaan lang. Parang mas gusto pa naming mag-prepare ng something really big, which is ‘yung church wedding [na] sure na this year.”

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Nilinaw ni JC na hindi niya itinatago na kasal na siya. Iginiit din ni JC na hindi siya ang uri ng tao na gagawa ng malaking anunsyo.

Aniya, “Hindi talaga ako, alam mo ‘yun, ma-big announcement. [But] I always tell everyone. ‘Pag tinanong, ‘Are you married?’ ‘Yeah, I’m married.'”

Samantala, mas matanda ng pitong taon si JC sa kanyang asawa na dati naman niyang schoolmate. Malaking rebelasyon pa ng aktor, umabot umano ng mahigit isang taon bago siya sinagot ni RIkkah. Pagbubunyag pa ni JC, dumaan muna siya sa butas ng karayom bago niya napasagot ito.

Ayon kay JC, malaking ‘factor’ ang pagiging artista niya kung bakit matagal siyang sinagot ng kanyang asawa.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Aniya, “Pinahirapan niya ‘ko. Dumaan ako sa butas ng karayom and hindi niya ‘ko binibigyan ng any window para pumasok ako sa buhay niya. Takot siya. Kasi nga ‘yung type of work kasi natin ‘di ba. Siyempre ‘pag hindi ka talaga nasa work natin, it’s hard to understand kung ano talaga ‘yung ginagawa natin everyday, and para doon sa mga non-showbiz, matagal ‘yung para ma-process sa kanila,”

Dagdag niya, “So siya, medyo tak0t siya, pero sabi ko nga, ‘Pinahirapan mo ‘ko, eh.’ Sinuyo ko talaga and decided ako na I’ll end up with you.”