Karamihan naman sa atin ay minsan nang dumaan sa madilim na bahagi ng ating buhay kung saan ay labis tayong nakaramdam ng paghihirap ngunit lalabas din tayong matapang kapag nalampasan na natin ang lahat ng ating pinagdaanan.
Credit: Toni Gonzaga Studio YouTube
Sa kabila ng lahat ng sakit na pinagdaanan, patuloy pa rin sa pagbibigay ng pagmamahal at chances si Jelai Andres sa kanyang dating asawa na si Jon Gutierrez o mas kilala sa kanyang pangalan sa showbiz na “King Badger” kahit na’y ilang ulit na umano siyang pinagtaksilan nito.
Sa isang interview kasama si Toni Gonzaga kumakailan lamang, matapang na ibinahagi ng vlogger-aktres na si Jelai ang kwento sa kanyang nabigong pag-ibig, inamin na naging bulag siya sa pagmamahal, at sa wakas ay binigyang-linaw ang dahilan niya kung bakit siya nagpapatawad.
Unang nagkakilala si Jelai at Jon nang ibinahagi ng Pinay vlogger ang nakakatuwang video hanggang nauwi sa araw-araw nilang pag-uusap. Nang napagdesisyunan ni Jon na umuwi ng Pilipinas upang personal na makita si Jelai, doon na umano naging official ang kanilang relationship.
Credit: Toni Gonzaga Studio YouTube
Sa unang taon ng kanilang pagsasama bilang magkasintahan, maayos naman ang daloy ng kanilang relasyon hanggang nalaman ni Jelai na may ibang babae si Jon ngunit imbes na makipaghiwalay, mas pinili ng aktres na patawarin ang boyfriend.
“Para akong nam@tay, te! Parang… lumaki akong pure, straight, ‘yung maniniwala ka na merong kabutihan ‘tong tao na ‘to. Baka nagkamali lang siya. Nagbibigay ako ng chance,” pag-alala ni Jelai sa naramdaman niya nang unang nabuking ang panloloko ni Jon sa kanya.
Credit: Toni Gonzaga Studio YouTube
Sa kabila ng history ni Jon sa cheating, mas minabuti ni Jelai na kalimutan ang lahat ng ito kaya nang nag-propose ito, walang pag-aalinlangan na nag-yes ang 30-taong gulang na Pinay vlogger.
“Iyong history ng cheating, pinatawad ko na siya. Nakalimutan ko na, parang pinilit ko na kasi kapag kaya mong patawarin, patawarin mo. Tsaka naging happy ako. Parang nabuo ‘yung pinaghirapan mong buuin. From sobrang hirap, nabuo mo ulit,” saad ni Jelai.
Credit: Toni Gonzaga Studio YouTube
Taong 2018 nang ikinasal ang dalawa ngunit kahit mag-asawa na, hindi pa rin natapos ang panloloko umano ni Jon kay Jelai. Ang inaakalang masayang pagsasama sa buhay nilang mag-asawa ay nauwi lamang sa s@kit at paghihirap kung saan ay walang ibang naramdaman si Jelai kundi depress!on at anx!ety att@cks.
Nang nagising sa katotohanan at napagtanto kung gaano siya kaawa-awa sa paglalaban ng kanilang relasyon na hindi na maililigtas pa, matapang itong tinapos ni Jelai.
Ang kasiyahan na akala ni Jelai ay mahahanap niya kay Jon ay nabuo na niya sa pamamagitan ng pagmamahal na ibinibigay niya sa kanyang sarili.