Jennica Garcia, inaming hiwalay na sila ng kanyang mister na si dating child actor Alwyn Uytingco

Unang umugong ang mga balitang hiwalay na ang celebrity couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco noong nakaraang buwan. Ito ay matapos mapansin ng maraming netizens na binura ni Jennica sa kanyang mga larawan na kasama si Alwyn sa kanyang Instagram account.

Credit: @alwynzky Instagram

At nito lamang May 20, sa isang artikulo na inilathala ng GMA Entertainment, tuluyan nang kinumpirma ni Jennica na hiwalay na sila ni Alwyn matapos ang higit anim na taon na pagsasama.
Ayon kay Jennica, ngayon na tatlo na lamang sila sa kanilang pamilya, siya at ang kanyang dalawang anak, kinailangan daw talagang gumawa ng mga sakripisyo.

“From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made,” pahayag ni Jennica sa eksklusibong panayam sa kanya ng GMA Entertainment.

Sa nasabing panayam ay pinili naman ni Jennica na hindi sabihin ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Alwyn. Gayunman, idinagdag ni Jennica na isa sa mga dahilan kaya siya bumalik sa pag-aartista ay para sa kanyang mga anak.

Credit: @alwynzky Instagram

Aniya, “That’s the most that I could say right now. It’s the reason din kasi talaga kung bakit kinailangan [ko] bumalik sa pag-a-artista.”

Samantala, sa isang mahabang Instagram post ay iginiit naman ni Jennica na hindi pinansyal na problema ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Alwyn.

Nilinaw ni Jennica na kaya siya bumalik sa pag-aartista ay dahil “wise thing” umano itong gawin sa panahon na ito ng kanyang buhay.

Credit: @alwynzky Instagram

Ani Jennica, “FINANCIAL PROBLEM is NOT the reason. Going back and pursuing my career as an actress is simply the wise thing for me to do in this season in my life. Our savings was never an issue.”

Binigyan diin din ni Jennica na hinding-hindi niya ilalagay sa alanganin at pagsasalitaan ng masama ang ama ng kanyang mga anak.

Saad pa ni Jennica, “If you see an article with me putting Alwyn in a bad light, please make sure it was published by a reputable source before you believe. I will NEVER say anything bad about the father of my children.”

Sa kanyang mahabang post sa Instagram, sinabi rin ni Jennica na mula ngayon iiwasan na niya ang mga katanungang may kaugnayan kay Alwyn upang maprotektahan ang mababasa ng kanyang mga anak sa hinaharap.

Credit: @alwynzky Instagram

Sina Jennica at Alwyn ay ikinasal noong 2014 at sila ay biniyayaan ng dalawang anak na sina Athena Mori at Alexis Severina.

Unang napanood sa telebisyon si Jennica na anak ng beteranang aktres na si Jean Garcia at ‘That’s Entertainment’ star Jigo Garcia sa Kapamilya legal drama na “Ipaglaban Mo”.