Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, masayang sinalubong ang bagong miyembro ng kanilang pamilya

Hindi ngayon mapangalanan ng couple na si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kanilang nararamdaman dahil sa wakas, natupad na rin ang isa sa kanilang pangarap at ito ay ang magkaroon ng baby. Matapos ang siyam na buwang paghihintay ng mag-asawa, isinilang na ni Jennylyn ang unang baby nila ni Dennis!

Credit: Jennylyn Mercado YouTube

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan sa atin kung gaano ka-eager ang couple na si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na magkaroon ng anak kaya nang natupad ang kanilang kahilingan, talagang abot-langit ang kasiyahan ng dalawa lalo na’t ilang taon na rin silang naghihintay na matupad ito.

Matatandaang October noong nakaraang taon nang ibinahagi nila sa publiko ang masayang balita at makalipas ang isang buwan matapos inanunsyo ang pagbubuntis ni Jennylyn sa unang baby nila ni Dennis, nagkaroon ng simple at intimate na civil wedding ang couple.

At mukhang hindi lamang noong nagdaang taon nagsunod-sunod ang natatanggap na blessings ng mag-asawa dahil sa pagpasok ng buwan ng Mayo, may surpresa ang aktres sa kanyang latest na vlog at ito ay ang pagbabahagi niya sa balitang isinilang na niya ang baby girl nila ni Dennis nito lamang ika-25 ng Abril!

Credit: Jennylyn Mercado YouTube

Sa pinakahuling bahagi ng ibinahaging vlog ni Jennylyn sa kanyang YouTube channel na pinamagatan niyang “Nursery Tour,” makikita na nasa hospital sila ng asawa kung saan ay nakahiga si Jennylyn sa kama habang nakaupo naman sa kanyang tabi si Dennis at nakasuot ng scrub suit.

“Check up lang dapat kami ngayon eh. Bigla na lang kaming manganganak na daw,” sabi ng aktres sa nanghihinang boses. “Hindi kami ready.”

Matapos ng maraming taon at ilang buwan na paghihintay ni Dennis at Jennylyn, sa wakas ay nakita at nahagkan na rin ng couple ang kanilang unang baby. Sa pagdating ng kanilang baby girl, muli na namang nadagdagan ang miyembro ng kanilang pamilya dahil ngayon ay may babaeng kapatid na rin ang kani-kanilang mga anak sa dating partners na sina Calix at Alex Jazz.

Credit: @mercadojenny Instagram

Congratulations, Jennylyn at Dennis!