Jennylyn Mercado, ibinahagi ang kanyang blooming photos kung saan kita ang kanyang malaking baby bump

Ini-enjoy ngayon ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ang kanyang pagdadalang tao lalo na at matagal na nila ito inaantay ng kanyang asawang si Dennis Trillo.

Credit: @mercadojenny Instagram

Sa isang Instagram post ay nagbahagi ng mga letrato si Jennylyn na kita ang kanyang 30th week baby bump habang nagsiswimming sa swimming pool. Ang letrato ay kinunan mismo ng kanyang mister na si Dennis.

“3Oth week swimming with my girl! 💕”, ani Jennylyn sa caption ng kanyang post.

Credit: @mercadojenny Instagram

Kahit tila kakaahon lang sa paglangoy at walang suot na make-up ay blooming na blooming pa rin ang aktres suot ang kanyang puting swimsuit at naka-half ponytail ang buhok.

Maraming netizen ang pumuri sa mga letrato ni Jennylyn at sinabing napakaganda nito.

Credit: @mercadojenny Instagram

Ang kanyang kapwa kapuso artist at kaibigan na si Marian Rivera ay nagsabi din na excited na siya sa pagsilang ng baby nila Jennylyn.

“Awww excited na ak0 makita ka inaanak k0 😘♥️ stay safe mare,” komento ni Marian.

Sa isang panayam sa noon ay magkasintahang Jennylyn at Dennis ay sinabi nilang noong 2018 pa nila sinusubukan na magbuntis at sinubukan na din ang IVF at surr0gacy.

Hindi inakala ni Jennylyn na maraming magaganap sa 2021 na magpapabago ng kanyang buhay.

Credit: @mercadojenny Instagram

Taong 2021 nang laking gulat ni Jennylyn na nadelay ang kanyang monthly period at kalaunan ay nagpositive ang kanyang pregnancy test result.

Oktubre noong nakaraang taon din naganap ang pagpropose sa kanya ng long time boyfriend na si Dennis Trillo at bago natapos ang taon ay nag-isang dibdib din ang magkasintahan. Ang naganap nilang kasal ay isang intimate wedding na dinaluhan lamang ng mga malalapit na kapamilya at kaibigan.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Jennylyn ay pangalawang anak na niya. Ang kanyang panganay na si Jazz ay anak niya sa dating karelasyon na si Patrick Garcia. Ang kanyang magiging pangalawang anak at anak nila ni Dennis Trillo ay isang baby girl.

Credit: @mercadojenny Instagram

Wala pang inilalabas na detalya ang mag-asawa kung ano ang ipapangalan nila sa kanilang paparating na baby girl.