Tila hindi inaasahan ng beteranang aktres at mang-aawit na si Sheryl Cruz ang naging tugon ng batang aktor na si Jeric Gonzales nang tanungin ito sa isang panayam kung siya na ba ang kanyang “dream boy”.
Credit: @officialsherylcruz Instagram
Kamakailan ay nalagay sa hot seat si Jeric nang tanungin siya kung siya na ba ang dream boy ni Sheryl.
Walang paligoy-ligoy ngang sinabi ni Jeric sa isang panayam na tingin niya ay siya na ang dream boy ni Sheryl.
Matatandaan na si Sheryl ang kumanta sa 1989 hit-song na “Mr. Dreamboy” at dito nga nagmula ang tanong kung siya na ba ang “dream boy” ng aktres.
Credit: @officialsherylcruz Instagram
Ibinahagi naman ni Sheryl ang isang video ng nasabing panayam sa kanyang Instagram kung saan ay inihayag niya ang kanyang naging reaksyon sa sinabi ni Jeric.
Ayon kay Sheryl, “speechless” siya sa sinabi ni Jeric na co-star naman niya sa Kapuso drama serye na “Magkaagaw”.
Ani Sheryl, “OMG, I’m Speechless. Jeric on the hot seat with Tekla and Krissy. Thanks for this video Team JerRyl. Keep safe and God bless you all.”
Sa parehong panayam din ay inamin ni Jeric na single at “ready to mingle” siya ngayon. Nang tanungin naman si Jeric kung mas gusto ba niya ng mas bata sa kanya o mas matanda sa kanya ang babae, sinabi niya na mas gusto niyang mas matanda sa kanya ang kanyang magiging girlfriend.
Credit: @officialsherylcruz Instagram
Ani Jeric, “Ako siguro mas matanda. Siguro mas may experience ‘yung babae. Mas maraming akong matutunan ‘di ba?”
Natanong din si Jeric kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon ni Sheryl na sinagot naman niya sa isang hindi malinaw na paraan.
Aniya, “Alam niyo naman naging close kami sa Magkaagaw so kung ano man yung friendship namin ngayon, sa amin na lang ‘yun. So very close kami. Special ‘yun.”
View this post on Instagram
Kasunod naman ng kanyang naging sagot, sinabi ni Jeric na sa palagay niya ay siya na ang pinapangarap na lalaki ng 48-taong gulang na aktres.
Matatandaang mula nang magkatrabaho sila para sa “Magkaagaw” maraming espekulasyon ang lumitaw na nag-uugnay sa kanila na mayroong romantikong relasyon.
Credit: @officialsherylcruz Instagram
Gayunpaman, parehong walang kinukumpirma sina Jeric at Sheryl tungkol sa mga kumakalat na espekulasyon na may kaugnay sa kanilang tunay na relasyon.