Jericho Rosales at Kim Jones, hinangaan dahil sa pagtulong sa mga na-tr@p sa kanilang bahay dahil sa bagy0 gamit ang kanilang surfboards

Isa si Kapamilya actor Jericho Rosales at ang kanyang asawa na si Kim Jones sa mga Pinoy celebrity na gumawa ng hakbang upang matulungan ang mga kababayan natin na naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng b@gyong Ulysses.

Credit: Jericho Rosales Instagram     

Sa artikulo na inilathala ng ABS-CBN News, sinabi ni Jericho na nagdesisyon umano sila ni Kim na tumulong sa pagre-r3scue sa mga residente na binaha ang mga bahay. Ginamit din nina Jericho at Kim ang kanilang mga surfboard sa pagre-r3scue sa mga residente.

Credit: ABS-CBN News Facebook

Ayon pa sa pahayag ni Jericho sa nasabing artikulo, hindi na umano bago na bahain ang kanilang lugar. Minsan umano kapag wala na talagang magagamit na mga r3scue boat o mga flotation device ay naglalabas umano sila ni Kim ng kanilang surfboard.

Sa mga hindi nakakaalam, isa sa mga hilig ni Jericho ang pagsi-surf at hindi na bago sa kanya na tumulong sa mga residente na naapektuhan ng baha tuwing may b@gyo.

Credit: ABS-CBN News Facebook

“This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard,” kwento pa ni Jericho.

Ikwenento rin ni Jericho na ligtas naman umano ang mga residente na na-r3scue nila. Ibinunyag din ni Jericho na may ilang lugar umano na hindi na kayang puntahan ng mga r3scue team dahil sa matinding agos ng tubig baha.

Credit: ABS-CBN News Facebook

Paglalahad ni Jericho, “Okay naman [‘yung mga napuntahan namin sa bahay], safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung r3scue teams kasi malakas na ‘yung agos and wala pang boats.”

Sa huli, binigyang-diin ni Jericho ang kahalagahan ng pagiging kalmado at paghahanda lalo na kung sa hinaharap ay manalasa na naman ang isang b@gyo.

Credit: ABS-CBN News Facebook

Saad pa ni Jericho, “Stay calm and siguro it’s too late now to complain or anything so mas maganda, kung tayo mismo in the future we can prepare. It’s always preparation para sa akin. Preparation ng mga nasa bahay and ng mga r3scuers. I hope they get enough funds for r3scue. We get better warnings sana for the people para hindi na mangyari.”