Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado, naghanda para sa anak na si Jayda ng intimate at eleganteng 18th birthday celebration

Kilala si Jayda Avanzado bilang anak ng mag-asawang beteranong mang-aawit at komposer na sina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado. Isa si Jayda sa mga rising stars ngayon at inaasahang susunod sa mga yapak ng mga magulang sa showbiz.

Credit: @jayda Instagram

June 28 nang ipinagdiwang ng unica hija nina Jessa at Dingdong ang 18th birthday nito. Dahil sa pagtungtong sa legal na edad ay nagkaroon ng selebrasyon ang pamilya niya sa Okada Manila sa Paranaque kung saan ay limitado lamang ang mga bisita.

Credit: @jayda Instagram

Sa intimate celebration na idinaos ay makikita na naroon ang malapit na kaibigan ni Jayda na si Francine Diaz. Dumalo din ang ilang mga kaibigan ni Jayda sa showbiz na sila Bugoy Drilon, Robi Domingo, at Inigo Pascual. Present rin sa birthday ni Jayda ang ilang malapit na kaibigan ng mga magulang niya.

Credit: @jayda Instagram

Sa ibinahaging video ng Nice Print Photography sa YouTube noong July 2 ay nagkaroon ang mga fans ni Jayda ng konting pasilip sa ilan sa mga pangyayari sa kanyang selebrasyon. Marami namang nagbigay ng papuri sa batang artista sa dahilang kahit simpleng gown lang ang pinili nitong suotin ay nag-uumapaw pa rin ang kanyang kagandahan. Talaga namang di maitatanggi kung kanino nagmana si Jayda ng kanyang angking kagandahan.

Credit: @jayda Instagram

Sa toast na ginawa ay nagbigay ang ina ni Jayda na si Jessa ng maikling mensahe para sa anak.

“I’m so proud of you, anak. Alam ko ‘yung hard work mo. Grabe! Bilib ako sa work ethics mo, sa lahat ng ginagawa mo. Andito lang kami lagi ni Dad sa likod mo. I love you, my baby.”

Credit: @jayda Instagram

Hindi rin nagpahuli ang ama ni Jayda na si Dingdong at may mensahe rin para sa anak ngayong nasa legal na edad na.

Credit: @jayda Instagram

Malaki rin ang naging pasasalamat ni Jayda sa lahat ng dumalo sa kanyang birthday celebration. Hindi man engrande ang kanyang kaarawan pero labis ang sayang naramdaman niya dahil nagawa pa rin niyang ipagdiwang ang espesyal na araw kasama ang mga taong malapit sa kanya.

“Again, thank you, guys so much for being here tonight. It really means a lot to me,” ani Jayda.

Sa ngayon ay busy si Jayda sa pagpo-promote ng kanyang debut album na “Bahagi” matapos ang kanyang kauna-unahang major concert na “Jayda in Concert”.