Jessy Mendiola at Luis Manzano, excited na sa pagdating ng kanilang baby!

Sabik na ibinahagi ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang isang magandang balita. Kamakailan nagpost ng isang larawan si Jessy sa kanyang Instagram account, “A new chapter” Saad nya dito. Makikita naman sa kanyang YouTube vlog ang bagong video na kanyang ipinost nitong Huwebes, August 11, 2022 patungkol sa post nito. Sa vlog nito kinumpirma ng dalawa ang pagdadalang tao ni Jessy.

Credit: @senorita_jessy Instagram

Makikita sa video ang labis na pagkatuwa ng celebrity couple ng makita nila ang positibong resulta mula sa pregnancy test ni Jessy. Nagbahagi rin si Jessy ng mga larawan ng sonogram at makikita sa video ang kanyang baby bump. Nagpost rin ng iba’t ibang litrato si Jessy sa kanyang instagram patunay ng kanyang pagbubuntis. Isa sa mga post ang litrato ng kanyang baby mula sa kanyang ultrasound.

Aniya “Say hello to the world, out little peanut.”

Sinabi naman sa caption kasama ng larawan ng mag-asawa, “So excited to go on this new journey with you, Papa @luckymanzano.”

Credit: @senorita_jessy Instagram

Mahigit isang taon nang kasal si Jessy at Luis. Nagkaroon ng civil wedding sila Jessy at Luis noong February 11, 2021 at gusto sana nilang magpakasal sa simbahan ngayong taon ngunit ito ay isasantambi muna ng dalawa para sa pagdating ng kanilang first baby.

Naniniwala ang mag-asawa na ang biyayang dumating sa kanilang buhay ngayon ay patunay na kahit may plano kang iba ang kagustuhan pa rin ng Diyos ang masusunod.

Ika nga ni Jessy “We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner.”

Credit: @senorita_jessy Instagram

Labis ang pasasalamat ng dalawa sa kanilang mga taga suporta na nanatiling sumusuporta sa kanila mula pa sa umpisa hanggang ngayon na sila ay papasok na sa panibagong yugto ng kanilang buhay mag-asawa.

Credit: @senorita_jessy Instagram

Maraming ring artista ang bumati at nakisaya sa magandang balita na binahagi ng couple. Ilan sa mga ito ay sina Alex Gonzaga, Maui Taylor, Lara Quigaman, DJ ChaCha, Elisse Josson, Mariel Padilla at marami pang iba.