Ginulantang ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang marami matapos nilang inanunsyo ngayong araw, April 4, na sila ay ikinasal na.
Credit: @senorita_jessy Instagram
Sa pamamagitan ng isang video na mapapanood sa YouTube channel ni Jessy, ibinahagi ng celebrity couple ang kanilang intimate wedding ceremony.
Noong February 21 pa ikinasal sina Jessy at Luis sa isang civil wedding ceremony. Ginanap ang kanilang simpleng kasal sa luxury resort na The Farm at San Benito na matatagpuan sa Lipa City, Batangas.
Credit: @senorita_jessy Instagram
Ang nag-officiate ng kasal nina Jessy at Luis ay ang mismong mayor ng Lipa City na si Eric Africa.
Sa inilabas na wedding video ni Jessy na kinunan ng professional photographer-videographer na si Bob Nicolas makikita na limitado lamang ang nakasaksi sa kanilang pag-iisang dibdib.
Tanging malalapit na kapamilya at mga kaibigan lamang nina Jessy at Luis ang makikitang present sa kanilang kasal.
Credit: @senorita_jessy Instagram
Kabilang sa mga ito ang ama ni Luis na si Edu Manzano at ang kanyang ina na si Batangas 6th District Representative Vilma Santos maging ang mister nito ngayon na si Senator Ralph Recto at ang kapatid ni Luis na si Ryan Christian.
Hindi naman nakadalo ang ina ni Jessy at sa pamamagitan lamang ng isang video call nito nasaksihan ang kasal ng anak.
Samantala, naging emosyonal naman si Luis nang makita na ang kanyang bride na naglalakad patungo sa kanya suot ang isang simple ngunit napakagandang wedding dress. At kahit kinakabahan, maluha-luha rin na naglakad patungo kay Luis si Jessy.
Binasag naman ni Luis ang katahimikan at kaseryosohan ng sandali matapos lumabas ang kanyang pagiging kwela nang sabihin na niya ang kanyang wedding vow.
Credit: @senorita_jessy Instagram
Sinimulan ni Luis ang kanyang wedding vow gamit ang ilang linya mula sa kanta ni Gary Valenciano na ‘Warrior is a Child’ na ikinatawa naman ni Jessy at ng mga panauhin.
Ani Luis, “They don’t know that I came running home when I fall down. They don’t know who picks me up when no one is around…”
Credit: @senorita_jessy Instagram
Naging seryoso naman si Luis at nagpatuloy. Aniya, “HowHow, as we take this step today I want to promise you that I will love you each day that comes even on those days na pareho tayong hindi kamahal-mahal, I will choose to love you. I promise to be your rock, your weak, to put a smile on your face even on the darkest of days…”
View this post on Instagram
Habang si Jessy naman ay buong pusong binigkas ang kanyang wedding vow para kay Luis.
Credit: @senorita_jessy Instagram
Ani Jessy, “I will protect you and I promise that if you grew weak I will be there to f!ght your battles for you. Today is the beginning of our journey, our lives together…”