Jessy Mendiola, biniro ang asawang si Luis Manzano na handa niya itong hiwalayan para sa isang aktor na crush niya

May mga crush talaga tayo na hinding-hindi natin kayang ipagpalit kahit sa asawa man katulad na lamang ni Jessy Mendiola na walang pag-aalinlangang biniro si Luis Manzano na hihiwalayan ito para sa kanyang crush na isang sikat na Korean actor.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Isa si Jessy Mendiola sa mga sikat at magagandang aktres sa lokal na industriya ng showbiz kaya naman talagang marami sa mga kalalakihan ang nahuhumaling sa kanya at kabilang na nga sa mga ito ay si Luis Manzano na siyang asawa ng aktres ngayon.

Bagama’t kasal naman sa isa’t-isa, hindi pa rin nagtatapos ang pagkakaroon ni Jessy ng crush sa isang sikat na aktor sa Korea na si Gong Yoo, ang gumanap sa bidang karakter sa Goblin kaya naman nang nagkaroon ng pagkakataon sa challenge na “Jojowain o Totropahin” kasama ang kanyang biyenan na si Vilma Santos at iilang kasambahay, talagang walang pinalagpas ang aktres at ipinahayag ang kanyang tunay na damdamin para kay Gong Yoo.

Kamakailan lang nang muli na namang nagbigay ng katatawanan sina Luis at Jessy sa pamamagitan ng kanilang ginawang challenge sa ibinahaging vlog sa official na YouTube channel ng aktres.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Matapos ang sunod-sunod na pagsagot ni Jessy kung jojowain o totropahin niya ang bawat pangalang binanggit ng kanyang asawa, tila wala naman siyang pag-aalinlangan sa pagsagot nang nabanggit na ni Luis ang pangalan ni Gong Yoo.

“Maghintay ka naman ng kahit 2 seconds man lang para hindi masyadong halata,” sabi ni Luis.

Nang naalala naman ni Vilma Santos ang sikat na pelikulang pinagbidahan ni Gong Yoo na Train To Busan, kaagad naman siyang sumang-ayon kay Jessy at sinabing, “Jojowain!”

Credit: Jessy Mendiola YouTube

At dahil sobrang gusto ni Jessy si Gong Yoo, handang-handa umano siyang hiwalayan si Luis para sa kanyang crush dahilan kung bakit bigla na lamang nanlumo ang aktor.

“Jojowain talaga. Hihiwalayan kita para sa kanya,” pagbibiro ni Jessy pero kaagad naman siyang may pambawi kay Luis.

“Alam mo, love kung bakit ko siya naging crush? Kasi naaalala kita sa kanya. Hindi ko alam kung bakit,” ayon kay Jessy.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Dahil sa sinabi ng aktres, kitang-kita naman sa naging reaksyon ni Luis na kinilig siya pero patuloy pa rin ang pagbabanta ng aktor na gaganti siya kay Jessy.

Marami naman sa kanilang fans ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan sa comment section. Iilan lamang ang mga ito sa kanilang komento:

“Dami kong tawa, Jessy! Sobrang nakaka good vibes! 😂😂😂”

“Ang saya naman neto..lalo na ung si LUIS MANZANO na 🤣🤣🤣”

“Graveee!lakas ng tawa ko..”

Talagang walang katapusang tawanan kapag nagsama na ang mag-Momski at si Jessy Mendiola!