Kailangan ba ng rason upang magkaroon ng photosho0t? Dahil para kay Jessy Mendiola, gusto lamang niya magkaroon ng pictorial simple dahil gusto niya.
Credit: @senorita_jessy Instagram
Muli na namang pinahanga ni Jessy Mendiola ang karamihan sa naging resulta ng kanyang photosho0t dahil sobrang h0t at daring lang naman niyang tingnan sa bawat larawan. Hatid din niya ang sultry na vibes sa suot niyang itim na swimsuit na may matching gloves pa!
Wala mang espesyal na okasyon o kung anong event na ipinagdidiwang ang aktres, hindi pa rin ito naging hadlang para kay Jessy na magkaroon ng pasabog na photosho0t bilang commemoration sa moments niya bago tumungtong sa edad na 30.
Sa Instagram, ibinahagi ng 29 taong gulang na aktres ang maikling video ng kanyang photosho0t at ikinuwento sa kanyang fans at followers na last pasabog pictorial umano niya ito bago ipagbuntis ang magiging anak nila ni Luis Manzano, isa sa mga plano ng mag-asawa.
Credit: @senorita_jessy Instagram
“This is it! ✨ My last pasab0g pictorial before I turn 30 and before I get preggy! 🤰🏻🥰❤️,” ayon sa aktres.
View this post on Instagram
Suot ang kulay black na swimwuit na sobra namang bumagay sa pagiging mestiza ni Jessy at may kasama pang gloves sa parehong color, talagang binigyang hustisya ng aktres ang pagtawag nito bilang isang ‘pasabog pictorial!’
Bukod sa s3xy na look na ito ni Jessy, nag-slay din ang aktres nang ibinida niya ang kanyang elegance sa suot na puting gown kung saan ay sobrang exposed ang kanyang likod. Kung nakalugay ang kanyang buhok sa unang outfit, naka-bun naman ang buhok ng aktres na sobra namang nag-match sa kanyang gown.
Credit: @senorita_jessy Instagram
Ibinahagi rin ng aktres sa kanyang YouTube channel ang behind-the-scene ng ginawang pictorial na ngayon ay mayroon ng 126, 000 views at lagpas 3, 000 likes.
Matatandaan noong taong 2021 nang inanunsyo ni Jessy sa publiko na pansamantala niyang nilisan ang showbiz upang mag-focus sa buhay niya kasama si Luis at mukha namang pinaghahandaan na ngayon ng aktres ang pagbubuntis.
View this post on Instagram
Dedicated sa pagiging asawa? Panalo na si Jessy Mendiola diyan! At sa ilang taon niyang paghahanda sa pagbuo ng pamilya kasama si Luis, masasabi naman na super handa na ang aktres sa pagtahak sa landas ng motherhood.