Jessy Mendiola, itinour ang netizens sa napakaganda at malawak na farm ni Vilma Santos sa Batangas!

Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ng aktres na si Jessy Mendiola ang pagmamay-aring farm ni “Star For All Seasons” Vilma Santos sa Lipa, Batangas.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Kasama ni Jessy na nag-tour sa farm ang kanyang asawa at ang panganay na anak ni Ate Vi na si TV host-actor Luis Manzano.

Sa vlog ay ipinasyal ni Ate Vi si Jessy sa kanyang farm. Maganda at malawak ang farm nina Ate Vi at ng kanyang asawang si Senator Ralph Recto.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Kwento ni Ate Vi, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling farm kung saan siya makakapag-relax.

Tinupad naman daw ni Senator Ralph ang kanyang pangarap at niregaluhan nga siya nito ng isang farm.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

“Dream ko talaga magkaroon ng farm, ‘yung may mga tanim, ‘yung meron kang naha-harvest, may mga birds, may mga hayop. Talagang ‘yun ang dream ko matagal na,” paglalahad ni Ate Vi.

Dagdag niya, “‘Yun ‘yung ginawa ni Ralph. Siya lahat iyan, in fairness to him. Ito ‘yung regalo ni Ralph. Siya ang may idea ng lahat na ito. Basta gusto ko farm para may time to relax.”

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Samantala, isa sa mga atraksyon sa farm ni Ate Vi ay isang malaking Koi fish pond. Bukod naman sa fish pond, ipinakita rin ni Jessy ang ilang alagang hayop na makikita sa farm ni Ate Vi tulad ng mga baka, kabayo, peacock, at ilang love birds. May nakatanim ding maraming puno ng manga at santol sa farm ni Ate Vi.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Matatandaang noong nakaraang February 21, 2021 , ay ginanap ang kasal nina Jessy at Luis sa isang luxury farm at resort sa Lipa, Batangas.

Ini-reveal naman ni Jessy sa vlog na ikakasal dapat sana sila ni Luis sa farm ni Ate Vi. Dahil hindi ito natuloy, kaya nire-enact na lang nila ni Luis sa vlog ang kanilang kasal.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Ayon naman kay Ate Vi, may plano si Luis na bumili ng isang farm sa Batangas dahil sa magandang klima ng lugar.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

“Gusto po raw kasing kumuha ni Lucky ng farm dito sa Lipa. Dito sa Lipa kasi good weather kasi mataas ang Lipa…malamig talaga dito,” saad pa ni Ate Vi.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Sa huli, inamin ni Jessy na na-inspire sila ni Luis sa pag-iibigan nina Ate Vi at Senator Ralph lalo na sa pagtupad ng huli sa pangarap ni Ate Vi na magkaroon ng sariling farm.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

“Sobrang nakaka-inspire at nakakakilig sina Tito Ralph and Momski (Vilma)! Naging couple goals namin sila and gusto na din namin ni HowHow (Luis) magkaroon ng sariling farm one day!” pahayag pa ni Jessy.