Nag-walkout ang aktres na si Jessy Mendiola sa gitna ng paglalaro nila ng kanyang fiancè na si Luis Manzano ng sikat na challenge na “Jojowain o Totropahin” matapos mabanggit ang ‘ex’ ni Luis.
Credit: @senorita_jessy Instagram
Nitong February 4, sa latest vlog ng aktres, mapapanood ang paglalaro nila ni Luis ng sikat na challenge.
Para gawing mas exciting ang kanilang laro, nilagyan ng ‘twist’ ng celebrity couple ang challenge.
Ani Jessy, “Ito, ‘yung ‘jojowain o totropahin’ merong level 2. Level 1: Jojowain o Totropahin. Level 2: Pagseselosan o Dededmahin.”
Credit: @senorita_jessy Instagram
Ayon kay Jessy, unang beses nila ni Luis na maglalaro ng “Jojowain o Totropahin”. Hiling naman ni Luis na hindi pagmulan ng kanilang away ang laro.
Sa Level 1, ilan sa mga artista na pinagpilian ni Jessy kung jojowain o totropahin ba niya ay sina Enchong Dee, Jake Cuenca, Zac Efron at ang “Goblin” star na si Gong Yoo.
Kabilang naman sina Maja Salvador, Bea Alonzo, Bela Padilla at ang South Korean superstar na si Song Hye Kyo sa mga pinagpilian ni Luis.
Credit: @senorita_jessy Instagram
Sa gitna nga ng kanilang laro ay nabanggit ni Jessy ang ‘ex’ ni Luis na aniya ay pinagselosan umano niya noon.
“Sasagutin ko ba talaga ‘yan?” ani Luis.
Sagot ni Jessy, “Eh ‘di ba ex mo ‘to? So ano nga, jojowain o totropahin?”
Tugon naman ni Luis, “Eh naging jowa na nga. Eh ‘di siyempre ‘yun na rin ‘yun.”
Dagdag niya, “Paano ko totropahin ‘yun kung naging jowa ko nga. Hindi nga maganda ‘yung breakup.”
Credit: @senorita_jessy Instagram
Makikita naman sa reaksyon ni Jessy na hindi niya nagustuhan ang sagot ni Luis.
Ani Jessy, “Eh akala ko ba ex mo [na]? Eh bakit mo pa jojowain ulit?”
Binalikan naman ni Jessy ang isang pagkakataon kung saan ay nakita niya sa cellphone ni Luis ang litrato ng ‘ex’ nito.
Ani Jessy, “May nakita akong picture niya sa phone mo dati ‘di ba, nu’ng nagsisimula pa lang ‘yung relationship natin.”
Dumepensa naman si Luis at sinabing, “Hindi ko nabura, nakapatong siya doon sa maraming mga pics. So pagka-scroll ko, nakita ko lang.”
Credit: @senorita_jessy Instagram
At para matapos na ang kanilang diskusyon, humingi na lamang ng ‘sorry’ si Luis kay Jessy.
Aniya, “Eh ‘di sorry… Kakasal na tayo, ‘wag na nga ‘yung mga ganyan. Okay? Peace.”
Ngunit sa huli ay ibinunyag ng celebrity couple na ang sinasabi palang ‘ex’ ni Luis ay ang Hollywood actress na si Jennifer Lawrence.
Ani Jessy, “Charot lang! Ang kapal ng mukha nito! Jennifer Lawrence. Hindi, pero seryoso, si Jennifer Lawrence, crush talaga niya. May time talaga na pinagselosan ko si Jennifer Lawrence, kasi nu’ng nakita ko sa phone niya puro pictures niya talaga…Pangarap lang niya na naging jowa niya si Jennifer Lawrence, pero asa ka, boy?”