Jewel Mische, ipinakilala sa publiko ang kanilang bagong silang na baby girl!

Congratulations, Jewel!

Muling nadagdagan ang kasiyahang nararamdaman ni Jewel Mische sa pagdating ng bagong baby girl sa buhay ng kanilang pamilya. Tunay na halos maubusan na siya ng tamang salita upang ipahayag ang kanyang maligayang puso.

Credit: @mischejewel Instagram

Matapos madiskubre sa StarStruck noong taong 2007, tuloy-tuloy na ang proyektong natanggap ni Jewel sa industriya ng showbiz katulad na lamang ng “100 Days to Heaven,” “Maria la del
Barrio” kung saan ay ginampanan niya ang karakter ni Sabrina Villabrile, at marami pang iba.

Maliban sa kanyang kahusayan sa pag-arte, kilala rin si Jewel bilang isang modelo. Sa kabila ng tagumpay at kasikatang tinatamasa, napagdesisyunan ni Jewel na lisanin ang showbiz noong 2013 upang mamuhay sa ibang bansa kasama ang asawang si Alister Kurzer.

Credit: @mischejewel Instagram

Bagama’t matagal namang nilisan ang mundo ng showbiz, patuloy pa rin siyang sinusubaybayan ng kanyang fans at sa bawat update ng dating aktres, talagang tutok ang mga ito!

Nito lamang Huwebes, November 4 nang ibinahagi ni Jewel sa kanyang Instagram account ang magandang balita kung saan ay masaya niyang sinalubong ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Credit: @mischejewel Instagram

“Our third princess has graced us with her presence…. Meet Yzbel Quinn.👑,” pagpapakilala ni Jewel sa kanyang anak.

Paglalarawan pa ng dating aktres sa ikatlo niyang baby girl, “A full head of dark hair, doe-eyes, full lips and a perfect mix of his big sisters.”

Halos wala na namang mas isasaya pa si Mommy Jewel nang muli silang nabiyayaan ni Alister ng isa pang anak. Matapos isilang noong nakaraang taon ang ikalawang anak na si baby Emerald Jade, abot-langit ang kasiyahang nararamdaman ngayon ng dating aktres.

Credit: @mischejewel Instagram

Dagdag pa niya, “My heart, yet again, had grown a million sizes in one instance.. —Yzbel is definitely handpicked by the Lord and I can’t imagine life without her now. I shake my head in amazement.. I’m falling more in love with The Planner, The One whose ways are ultimately best.. and that’s the greatest gift of all!!”

Credit: @mischejewel Instagram

Halos hindi rin makapaniwala ang dating aktres na matagumpay niyang naisilang ang ikalawa at ikatlong anak sa kalagitnaan ng p@ndemic.

Katulad ng panganay ni Jewel na si Aislah Rose at sa kanilang ikalawang anak na si baby Emerald Jade, kapansin-pansin din ang taglay na kagandahan ng ikatlo nilang anak na si baby Yzabel Quinn. Talagang namana nila ang good looks ng kanilang mga magulang!

Credit: @mischejewel Instagram

Nilisan man ang showbiz, nagkaroon naman ng napakagandang buhay si Jewel Mische sa ibang bansa kasama ang kanyang mapagmahal na asawa at mga babaeng anak. Ngayon na isang Mommy na sa tatlong prinsesa, namumuhay ngayon si Jewel bilang isang reyna!