Pinatunayan ni “It’s Showtime” host at “Sample King” Jhong Hilario at ng kanyang non-showbiz longtime partner na si Maia Leviste Azores na ang 15-taong agwat ng edad ay hindi hadlang sa isang matatag at pangmatagalang relasyon.
Credit: @jhonghilario Instagram
Nagbunga naman ang siyam na taong pagmamahalan nina Jhong at Maia dahil isang buwan na lamang ay makikita na nila ang kanilang unang anak.
Matatandaan na noong November 26, 2020, inanunsyo nina Jhong at Maia sa kani-kanilang Instagram account na magiging magulang na sila.
Isang litrato ang ipinost ni Jhong sa kanyang Instagram kung saan ay makikita ang litaw na litaw na baby bump ni Maia.
Credit: @maialevisteazores Instagram
Excited na nga si Jhong na makita ang kanilang “sample prince” o hindi naman kaya “sample princess”.
Hindi pa sinasabi ng celebrity couple kung ano ang kasarian ng kanilang unang anak. Gayunman, halatang sabik na silang makita at mahawakan ito.
Ibinahagi nga nina Jhong at Maia ang isa sa mga hindi malilimutang karanasan nila sa kanilang pregnancy journey bilang first-time parents.
Sumabak sa 3D/4D ultrasound si Maia at nakita nga nila ni Jhong ng mas malinaw ang litrato ng kanilang sanggol.
Credit: @maialevisteazores Instagram
Nitong January 13, ipinost ni Maia ang mga 3D/4D sonogram picture ng kanilang sanggol. Sa isang litrato makikita ang sanggol ng celebrity couple na nakangiti habang sa isa pang litrato ay makikita naman itong nagta-thumbsuck.
View this post on Instagram
Hindi nga maiwasang maging emosyonal ni Maia matapos makita ang mga litrato ng kanilang sanggol na nasa kanyang sinapupunan.
“For this child, I have prayed, and You heard my cry.. For this baby, I had faith, and You gave new life..🙏🏼😭❤️,” sulat ni Maia sa caption ng kanyang Instagram post.
Dagdag ni Maia, “Thank you @hellobabyfishermall for making our 3D/4D ultrasound experience a really memorable one. 🙏🏼”
Ngayong darating na March nakatakdang ipanganak ni Maia ang unang anak nila ni Jhong.
Credit: @jhonghilario Instagram
Noong 2014, unang inamin ni Jhong sa publiko ang kanyang relasyon kay Maia na mas bata sa kanya ng 15 taon.
Para sa mga hindi nakakaalam, si Jhong ay dating kasal kay Michelle Westgate, isang British citizen na nakilala niya habang ginagawa niya ang “Miss Saigon”.
Ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama at noong 2011 nga kinumpirma ni Jhong na hiwalay na sila ni Michelle. Ilang taon lamang ang makalipas ay nagtagpo ang landas nina Jhong at Maia.
Si Maia ay nagtatrabaho bilang isang flight attendant base na rin sa mga litrato na makikita sa kanyang Instagram account.
Credit: @jhonghilario Instagram
Bagaman hindi nagtagal ang unang kasal ni Jhong, naging daan naman ito upang matagpuan niya si Maia na mukhang “the one” at “forever” na niya.