Jhong Hilario, ini-enjoy ang cute bonding moments nila ng kanyang “Sample Princess” na si Baby Sarina

Marami ang humahanga sa aktor na si Jhong Hilario hindi lamang dahil sa kanyang talento sa pag-arte kundi maging sa kanyang galing sa dance floor.

Credit: @jhonghilario Instagram

Kilala si Jhong sa mundo ng showbiz bilang isang versatile actor, isang mahusay na host, at dancer.
Ngunit sa likod ng kamera, isang mapagmahal na partner at tatay si Jhong.

Lingid sa kaalaman ng lahat, mahigit 7 taon nang kasintahan ni Jhong ang dating flight attendant na si Maia Azores.

Credit: @jhonghilario Instagram

Isa naman sa mga highlight ng buhay nina Jhong at Maia ngayong taon ay ang pagdating ng kanilang unica hija na si Baby Sarina.

Credit: @jhonghilario Instagram

Noong nakaraang Marso, excited at masayang ibinalita ni Jhong na naisilang na ni Maia ang kanilang malusog at napaka-cute na baby.

Credit: @jhonghilario Instagram

Talagang umaapaw na kasiyahan ang hatid ni Baby Sarina sa buhay ni Jhong. Isang certified “Daddy’s Girl” naman si Baby Sarina na kapansin-pansin sa ilang cute bonding photos nila ni Jhong.

Sa katunayan, bansag ng lahat kay Baby Sarina ay “Sample Princess” dahil nga sumikat si Jhong bilang “Sample King” ng Philippine showbiz.

Credit: @jhonghilario Instagram

Madalas ngang ibahagi ni Jhong ang ilang cute bonding moments nila ni Baby Sarina sa kanyang Instagram account.

Kabilang dito ang ibinahagi ni Jhong kamakailan lamang na mga litrato nila ni Baby Sarina kung saan ay huling-huli ang panggigigil ni Baby Sarina sa kanya.

Caption pa ni Jhong sa mga litrato nilang mag-ama, “Gig!l yan Sarina?”

Credit: @jhonghilario Instagram

Pinusuan ng maraming netizens ang kanilang cute photos. Hindi rin siyempre mawawala ang ilang nakakatuwang litrato nina Jhong at Maia habang kinukulit ang kanilang munting prinsesa.

Credit: @jhonghilario Instagram

Sino nga naman ang hindi mapapangiti kung makikita nila ang napaka-cute na reaksyon at matamis na ngiti ni Baby Sarina habang pinapaulanan siya ng halik nina Jhong at Maia?

Tunay ngang tuluyang binago ni Baby Sarina ang buhay ni Jhong. Patunay dito ang pag-alis ni Jhong sa ilang TV shows sa Kapamilya network para masiguradong matutukan at l!gtas si Baby Sarina.

Credit: @jhonghilario Instagram

Sa ngayon, talagang ini-enjoy at sinusulit ni Jhong ang mga bawat sandali na kasama niya si Baby Sarina.