Jhong Hilario, isa nang certified na ama matapos isilang ng kanyang longtime girlfriend ang kanilang panganay na anak!

Isa nang ganap na ama ang “It’s Showtime” host na si Jhong Hilario matapos isilang ng kanyang longtime non-showbiz partner na si Maia Leviste Azores ang kanilang panganay na anak.

Credit: @jhonghilario Instagram

Nitong Sabado, March 27, ipinost ni Jhong sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanilang bagong silang na anak ni Maia.

Isang napaka-cute na baby girl ang isinilang ni Maia na pinangalanan naman nilang Sarina.
Sa caption ay puno ng pagmamahal na binati ni Jhong ang kanyang “Sample Princess”.

“Hello my LOVE!!! [heart emoji] #Sarina #SamplePrincess,” caption ni Jhong sa larawan ng kanyang unang anak.

Credit: @jhonghilario Instagram

Bumuhos naman kaagad ang congratulatory messages mula sa mga kasamahan ni Jhong sa showbiz.

Kabilang sa mga unang bumati ay ang mga co-host ni Jhong sa Kapamilya noontime variety show na “It’s Showtime”.

Ani Teddy Corpuz, “Woohoo! Congrats you two @jhonghilario & @maialevisteazores So cute!”

Saad naman ni Ryan Bang, “Congratulations kuya Jhong”

Ilan pa sa bumati kina Jhong at Maia sina Jed Madela, Geneva Cruz, Adrian Alandy at Iza Calzado.

Credit: @jhonghilario Instagram

Matatandaang November 2020 unang ibinahagi nina Jhong at Maia sa kani-kanilang Instagram account ang pagdating ng kanilang unang anak.

Isang sweet beach photo ang ipinost nina Jhong at Maia kung saan makikita ang lumalaking tiyan ni Maia.

Noong January 13 naman ay ibinahagi ni Maia ang 3D/4D sonogram picture ng kanilang baby.

“For this child, I have prayed, and You heard my cry..For this baby, I had faith, and You gave new life,” ani Maia sa caption.

Credit: @jhonghilario Instagram

Samantala, siyam na taon nang magkasintahan sina Jhong at Maia. Parehong mahilig mag-travel sina Jhong at Maia at ilang bansa na rin ang kanilang napuntahan nang magkasama base na rin sa mga larawang makikita sa kanilang Instagram account.

Sa ngayon, si Jhong ay napapanood sa “Your Face Sounds Familiar” bilang isang contestant dahil itinigil muna ang live staging ng “It’s Showtime” dahil pa rin sa tumataas na bilang ng nagkaka-c0vid-!9.

Habang si Maia naman ay nagtatrabaho bilang isang flight attendant bago magsimula ang p@ndemya sa isang kilalang Airline company sa bansa.

Sa isang panayam, ikwenento ni Jhong na hindi naging madali para sa kanya na makuha ang basbas ng mga magulang ni Maia.

Credit: @jhonghilario Instagram

Estudyante pa lamang kasi noon si Maia nang magkakilala sila. Katatapos lamang din noon ng relasyon ni Jhong sa kanyang dating asawa na si Michelle Westgate. Maliban dito ay mas matanda rin siya kay Maia ng 15 taon. Ngunit kalaunan ay nakuha rin ni Jhong ang loob ng pamilya ni Maia at ngayon nga ay may sarili na silang pamilya.