Jillian Ward, binansagan bilang “next Marian Rivera” dahil sa kanilang pagkakahawig at husay sa pag-arte!

Talagang nakakabilib ang pagkakahawig ni Jillian Ward kay Marian Rivera sa puntong pwede na silang maging magkapatid sa totoong buhay!

Credit: @jillian Instagram

Bibihira lamang ang mga taong may hawig sa isa’t-isa pero hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na marami ng babae ang nagsasabing may hawig sila sa sikat na aktres na si Marian Rivera pero sa lahat ng ito, tanging ang batang aktres na si Jillian Ward lamang ang masasabing may pagkakahawig nga sila ng kanyang Ate Marian.

Credit: @jillian Instagram

Kilala ngayon si Jillian bilang isa sa mga sikat na batang aktres at kahit na’y ilang taon nang nananatili sa industriya ng showbiz, patuloy pa rin na pinapahanga ng 16 taong gulang na aktres ang kanyang fans dahil sa kanyang kahusayan sa larangan ng pag-arte. Maliban dito, agaw-pansin din ang angking kagandahan ni Jillian na talaga namang bumihag sa puso ng mga manonood simula nang bumida sa sikat na teleseryeng “Prima Donnas”.

Patuloy na gumaganda ngayon, mas lalo ring lumilitaw ang pagkakahawig niya kay Marian Rivera dahilan kung bakit itinanghal at tinatawag siya ng karamihan ngayon bilang “The Next Marian Rivera” at ang susunod na “Marimar”.

Itinanghal bilang ang susunod na Marian Rivera sa industriya ng showbiz, labis naman ang kasiyahang naramdaman ng batang aktres. Ayon pa kay Jillian, nagsilbi umano niya itong inspirasyon upang mas mag-improve pa lalo na’t idolo pala niya si Marian.

Credit: @jillian Instagram

“My forever idol. 💗♥️ I love you! @marianrivera,” sulat ni Jillian sa kanyang caption kalakip ng mga larawan nila ni Marian kung saan ay mas napansin pa ng netizens ang kanilang resemblance. Iilan lamang sa mga komento ay:

“Ang ganda para magkapatid lang”

Credit: @jillian Instagram

“mukhang twins”

“kalookalike😍😍😍❤️❤️❤️❤️🔥🔥🔥🔥”

Samantala, ibinahagi rin ni Jillian ang magandang balita sa Instagram kung saan ay sa edad na 16, owner na siya ngayon ng magara at mamahaling sasakyan.

Credit: @jillian Instagram

“my new baby car 🖤,” saad ng aktres sa kanyang caption. Makikita sa ibinahaging larawan ni Jillian na bahagya siyang nakasandal sa harap ng kanyang BMW habang nakasuot ng cute na black dress na pinaresan niya ng knee socks sa parehong kulay ng kanyang damit.

Credit: @jillian Instagram

Bagama’t featured man ang bagong sasakyan sa post, hindi naman napigilan ng netizens na mapansin ang kagandahan ni Jillian dahilan kung bakit inulan siya ng papuri sa comment section.

Of course, habang lumalaki, mas nagiging kalook-alike naman ni Jillian ang kanyang idol na si Marian!

Credit: @jillian Instagram

Binansagan man bilang ang susunod na Marian Rivera, nananatili pa rin ang katotohanang may pagkakaiba pa rin si Jillian na patuloy naman niyang pinapatunayan habang ipinapamalas ang galing at husay sa pag-arte.