Jillian Ward, hinangaan dahil bumagay sa kanya ang sinuot na costume na Wonderwoman

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa superheroine na si Wonderwoman? Maliban sa kanyang powers, kilala rin siya sa kanyang taglay na kagandahan kaya naman nang nalaman na ang Israeli na aktres na si Gal Gadot ang bibida at gaganap bilang si Wonderwoman, marami ang humanga dahil sa pagiging perfect at fit niya sa character pero maliban sa kanya, may pambato rin ang Pilipinas.

Credit: @jillian Instagram

Isa si Jillian Ward sa mga bagong batang aktres ngayon sa lokal na showbiz. Una siyang nakilala sa “Sine Novela Trudis Liit” noong taong 2010 pero labis siyang sumikat nang bumida sa seryeng “Prima Donna” bilang si Donna Marie. Simula nang pumatok sa publiko ang nasabing teleserye, mas naagaw pa niya ang atensyon ng karamihan.

Credit: @jillian Instagram

Bukod sa husay at galing ni Jillian sa pag-arte, marami rin ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan — tisay, may maaamong mga mata, at magandang ngiti. Ngayon na 17 taong gulang na, mas nag-iimprove na rin ang bawat larawan, pose, at outfit ng aktres na patuloy naman niyang ibinabahagi sa social media.

Credit: @jillian Instagram

Marami man ang nagsasabi na sobrang dalaga na ni Jillian para sa kanyang edad, hindi naman maipagkakaila na bagay na bagay sa kanya ang napili niyang mga outfit katulad na lamang ng mga larawang ibinahagi niya sa Instagram kung saan ay nakasuot siya ng itim at sexy na jumpsuit habang ibinibida ang kanyang kauna-unahang sports car.

Credit: @jillian Instagram

Of course, hindi lamang dito natatapos ang photoshoots ng aktres dahil sa pinakabago niyang post sa Instagram, nag-ala Wonderwoman naman siya sa suot nitong costume. Kahit na’y Wonderwoman ang look, sinigurado pa rin ni Jillian na may makikitang pinoy side sa kanyang cosplay kaya ginaya niya ang pose ng superhero ng Pinas na si Darna kung saan ay nakataas ang kanyang balikat at nakakuyom ang kamao habang fierce na nakatingin sa kamera.

Credit: @jillian Instagram

“#WonderWoman costume but pose is inspired by #Darna 😅♥️,” sulat niya sa kanyang caption.

Nakalugay ang mahabang buhok, kumpleto ang accessories at sobrang bagay pa sa suot niyang costume, masasabi talaga na para siyang Wonderwoman ng Pilipinas!