Jillian Ward, sandamakdak ang natanggap na makukulay na cake, bulaklak, at pagkain para sa kanyang kaarawan

Mula nang lumitaw sa isang komersyal ng gatas noong siya ay bata pa lamang, nabihag na ng Kapuso aktres na si Jillian Ward ang puso at atensyon ng madla dahil sa kanyang masayahing personalidad at hindi maikakaila na kagandahan.

Credit: @jillian Instagram

Si Jillian ay nagsimula bilang isang child actress. Saksi nga ang marami kung paano nagbago si Jillian mula sa pagiging isang child star noon hanggang sa isang mahusay na aktres na ngayon.

Patuloy nga na namamayagpag si Jillian sa mundo ng showbiz. Kaliwa’t kanan na rin ang kanyang mga naging proyekto sa telebisyon kung saan ay ipinakita niya ang kanyang natural na talento sa pag-arte. Tunay ngang malayo na ang narating ni Jillian bilang aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

Sa kanyang ika-16 na kaarawan naman noong February 23, inihayag ni Jillian ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga tagahanga na dahilan umano kung bakit naging makabuluhan at masaya ang kanyang buhay.

“Today, I’m not only cherishing the gift of life, but also everyone in my life. You all help me discover myself constantly—my essence, my purpose, and everything else,” ani Jillian sa kanyang birthday post sa Instagram.

Credit: @jillian Instagram

Dagdag niya, “You light up my world. Y’all are the reason why I’m able to live a vastly meaningful, and happy life. I’m full of gratitude. I thank God for all of you.”

Ibinahagi rin ni Jillian na sobrang nagpapasalamat siya dahil sa mga natanggap niyang biyaya at oportunidad na tumulong umano sa kanya para maipakalat niya ang kanyang mensahe.

“I’m immensely grateful for my life, for all the knowledge, and opportunities that I’m blessed with, which helps me spread my message,” pahayag ni Jillian.

Credit: @jillian Instagram

Pangako naman ni Jillian sa kanyang mga tagahanga na patuloy siyang magpupursige sa pagtatrabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

Aniya, “I will work tirelessly to pursue excellence. I will continue to grow from the past, embrace the present, and look forward to a blissfully kind future. Deep love to all. Stay safe and kind. – JHYLLIANE.”

Samantala, naging makulay din ang pagdiriwang ni Jillian ng kanyang ika-16 na kaarawan dahil sa mga makukulay na cake at bulaklak na natanggap niya mula sa kanyang mga sponsor at tagasuporta.

Credit: @jillian Instagram

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Jillian ang ilang mga litrato kung saan ay makikita siyang napapaligiran ng makukulay na cake at mga bulaklak na talaga namang nagpa-wow sa mga netizen. Ayon pa kay Jillian, parang nasa “cloud nine” siya dahil sa maraming makukulay na cake na natanggap niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

Ani Jillian, “I am SO HAPPY!! I’m on cloud nine!! 💜 What a happy birthday! 🥰 Thank you everyone for taking the time to share your talent in art through baking me a cake.”

Credit: @jillian Instagram

Kabilang naman sina Chanda Romero, Marian Rivera at Aiko Melendez sa mga bumati kay Jillian sa kanyang kaarawan.