Jimmy Alapag, malalayo pansamatala sa asawang si LJ Moreno at sa kanilang mga anak para sa kanyang bagong trabaho

Nakakalungkot naman talaga ang pamamaalam lalo na’t malalayo ka na sa mga mahal mo sa buhay, pero sabi nga nila, bahagi ito ng buhay. Malungkot man pero ibig sabihin naman nito ay ang pagbubukas ng pinto tungo sa panibagong landas.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Sa loob ng mahigit sampung taong pagsasama bilang mag-asawa ay patuloy na matatag ang relasyon nina Jimmy Alapag at LJ Moreno. Kahit magiging malayo man sa isa’t-isa ay malaki naman ang kanilang tiwala na mapagtatagumpayan nila ito.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Sabado, August 7 ngayong taon nang nagbahagi ang aktres na si LJ Moreno ng vlog sa kanilang YouTube channel na “Alapag Family Fun”. Sa video ay ibinahagi ng aktres ang kaganapan ng kanilang pamilya sa huling araw na makakasama nila si Jimmy bago pa ito mawalay sa kanila.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Sinulit ng mag-asawa ang buong araw bago pumunta si Jimmy sa Las Vegas para sa kanyang bagong trabaho at ito ay ang pagiging isa sa mga coaching staff sa NBA Summer League.

Nag-date sina LJ at Jimmy kung saan ay nag-foodtrip at nagpunta sila ng salon.

Sa pagsapit ng gabi ay malambing namang sinamahan ni Jimmy ang kanyang mga anak sa pagtulog na siyang umantig sa damdamin ng netizens.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

“Dad is on his way on a plane ride to the new chapter in our lives. Oh my gosh, it’s happening,” sabi ni LJ habang papunta sila sa airport.

Sa pagdating nila sa airport ay kaagad na napayakap at napaiyak ang anak nilang si Ian sa ama na si Jimmy. Halos hindi naman kayang mabitawan ni Ian ang kanyang Dada Jimmy dahil medyo matagal mawawalay ang kanyang pinakamamahal na ama para sa bago nitong trabaho.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

“I’ll see you soon. Okay?” malambing na bulong ni Jimmy sa anak.

Marami namang netizens ang na-touch sa emosyonal na pagpapaalam ng mag-ama sa isa’t-isa. Iilan lamang ang mga ito sa mga naging komento ng mga netizen:

Credit: @jalapag3 Instagram

“Congratulations, Coach Jimmy and family! God causes all things to work for good to those who love Him and are called according to His purpose 🙏🏼🙏🏼🙏🏼 best regards 🤗🤗🤗”

“Oh I cried too with kuya Ian 😭😭😭.. But Jimmy is getting back to basketball and I am so happy for all of you. 💕🙏❤️”

I love little ian…he’s such a good kid….and im in love with the Alapag.family..they just such a beautiful family