Binigyan ng isang birthday surprise ni basketball star Jimmy Alapag ang kanyang asawang si LJ Moreno para sa ika-40 taong kaarawan nito noong October 5.

Sa kanilang vlog, mapapanood ang ginawang paghahanda ni Jimmy para sa kaarawan ng kanyang asawa.
Habang si LJ ay nag-day off muna mula sa kanyang parenting duties para i-celebrate ang bridal shower ng kanyang kapatid, si Jimmy muna ang nag-alaga at nagbantay sa kanilang tatlong anak na sina Ian Maximus, Keona Skye at Calen Asher.

Pagsisimula ni Jimmy, “Hi, guys. All three babies [are] with me. LJ is on her way to celebrate her sister’s bachelorette party and so to let them have some quality ladies’ time, Dada’s got the babies today.”

Dagdag ni Jimmy, “We made the run to the grocery store and then we actually stopped here and if you guys can see, it is Party City because LJ is celebrating her 40th birthday tomorrow. So, while she’s gone, I think my niece is gonna come over and when I get the kids to bed we’re gonna set up the house and when they come back tomorrow, we’re gonna surprise her little p@ndemic style 40th birthday.”

Napaka-challenging para kay Jimmy na alagaan ang kanyang tatlong anak nang mag-isa dahil sa kakulitan ng mga ito.

Gayunpaman, ay naging matagumpay naman si Jimmy sa pag-aalaga ng mga anak habang wala muna si LJ.
Kwento ni Jimmy, “Alright, guys. It’s been a long day. The kids have played with their cousins, they ate a lot and played a lot. But they had a really great time spending time with their cousins…So, it’s time to make our way home.”

Sa sandaling nakatulog na ang kanyang tatlong anak, ay sinimulan na ni Jimmy ang paghahanda sa mga gagamitin niya para sa birthday surprise.
Nang dumating na ang araw ng kaarawan ni LJ, ay puspusan na ang paghahanda ni Jimmy. Makikita sa vlog na mano-manong pinapalobo ni Jimmy ang mga balloon na gagamitin niya sa pagde-decorate.

Maliban sa mga balloon at birthday cake ay nag-order din ng isang Japanese lunch set si Jimmy na ayon sa kanya ay paboritong pagkain daw ni LJ.

Pagkabukas pa lang ni LJ sa pintuan ng kanilang bahay ay bumungad agad ang sa kanya ang napakalaking confetti.

Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay isang sash ang inilagay ni Jimmy sa asawa na may nakalagay na “Fierce at 40”. Binigyan din si LJ ni Jimmy ng isang gold birthday cup.

Makikita naman sa mukha ni LJ ang kasiyahan nang makita ang birthday set up na inihanda ni Jimmy para sa kanya.

Samantala, sa kanyang Instagram ay pinasalamatan ni LJ si Jimmy at ilang mga tao na naglaan ng oras para batiin at surpresahin siya sa kanyang kaarawan.