Jimmy Santos, personal na sinubukan ang paggawa ng uling para ipakita ang ikinabubuhay ng ilang kababayan sa Pampanga!

Kilala si Jimmy Santos sa industriya ng showbiz bilang isang TV host at magaling na komedyante. Noong kanyang kapanahunan ay talagang madalas na siyang nakikita sa telebisyon kasama si FPJ at ilang sikat na mga aktor.

Credit: Jimmy Saints YouTube

Marami rin ang tumitingala at umiidolo sa kanya sa kadahilanang sobrang natural niya sa pagpapatawa. Sa patuloy na paglipas ng panahon kung saan ay marami ng bagong artista at komedyante ang umusbong sa showbiz, marami ang napapatanong kung nasaan na nga ba si Jimmy Santos ngayon?

Hindi man masyadong nasisilayan si Jimmy sa telebisyon ngayon ay patuloy pa rin siyang sinusubaybayan ng iilan sa pamamagitan ng kanyang mga vlog sa sariling YouTube channel na “Jimmy Saints”.

Credit: Jimmy Saints YouTube

Dahil sa kanyang mga ibinabahaging videos ay marami ang humanga sa mapagkumbaba at napakabait na si Jimmy dahil wala siyang pag-aalinlangang tumutulong sa mga tao na naninirahan sa lugar na kanyang bibisitahin.

Credit: Jimmy Saints YouTube

Kamakailan ay pumunta si Jimmy sa barangay ng Sapangbato sa Angeles, Pampanga upang magbigay impormasyon sa mga manonood kung paano nga ba ginagawa ang uling.

Para makapagbigay ng sapat na impormasyon ay sumabak mismo si Jimmy sa pag-uuling.

Kaswal na nakipag-usap ang komedyante sa mga taga-Brgy. Sapangbato at humingi sa kanila ng tulong upang matunton ang pagawaan ng uling na isa sa mga hanapbuhay ng mga taong naninirahan doon.

Bumisita rin si Jimmy sa Barangay Hall kung saan ay nakausap niya ang Kapitan ng barangay.

Credit: Jimmy Saints YouTube

Nang nagpunta sa pagawaan ng uling sa Sitio Target ng Sapangbato ay ipinaliwang ng isa sa mga tagagawa ng uling na si “Henry” kung paano nga ba ito ginagawa. Hindi rin nag-atubili si Jimmy na tumulong sa paggawa ng uling mula sa pagsisibak at pagsasalansan ng mga kahoy hanggang sa pagbuhat ng sako-sakong uling.

Credit: Jimmy Saints YouTube

Hindi nakitaan si Jimmy ng anumang pagod imbes ay masaya pa nga niya itong ginagawa. Nagawa pa niyang patawanin ang mga kasamahan na siyang nagpagaan sa kanilang mahirap na gawain.

Sinasabayan rin ni Jimmy ang lahat ng ginagawa ng pagkanta na siyang umani ng papuri sa mga nanood.

Bukod sa pagbisita at pagdayo sa ulingan ay ipinakita rin ni Jimmy sa kanyang vlog ang maganda at kahali-halinang tanawin ng Clark Sun Valley Country Club.