Ano na naman kaya ang trabahong sinusubukan ng nag-iisang Jimmy Santos ngayon?
Credit: Jimmy Saints YouTube
Kung sa mga nakaraang vlogs ay naging barker sa jeepney at gumawa ng uling, ngayon naman ay sinurpresa at pinabilib niya ang netizens sa pagiging natural niya pagdating sa pagka-car wash!
Kahit na’y sikat at kilala ang kanyang pangalan sa mundo ng showbiz, may mga pagkakataon at panahon pa rin na gusto nating sumubok ng mga bagay na nasa labas ng ating career katulad na lamang ni Jimmy Santos na walang-sawa sa pag-eexplore. Kapag comedy lang naman ang pag-uusapan, tiyak na marami ang nakakakilala kay Jimmy Santos ngunit kumakailan lamang, hindi na siya masyadong natutunghayan sa telebisyon dahil abala na siya ngayon sa kanyang vlogs na mapapanood naman sa kanyang official na Youtube channel na “Jimmy Saints”.
Credit: Jimmy Saints YouTube
Nito lamang Martes, April 5 nang nagbahagi ang komedyante ng vlog na pinamagatan niyang “Call me I will wash your car With a Song” kung saan ay mapapanood siyang sumasabak sa pagka-car wash.
Marahil ay kuryoso kung paano nga ba mag-car wash, walang pag-aalinlangan itong sinubukan ni Jimmy. Makikita naman sa video na hindi siya masyadong nahirapan o labis na napagod sa trabaho. Imbes, nag-enjoy pa nga siya!
Credit: Jimmy Saints YouTube
“Ngayon po ay nandito ako sa parteng Angeles sa Clark. Dito po sa car wash kung saan po ako nagpapa-car wash,” sabi niya sa pinakaunang bahagi ng kanyag vlog.
Ayon sa komedyante, maganda umanong libangan ang pagka-car wash kaya hindi umano siya nagsisi nang sinubukan ito.
Credit: Jimmy Saints YouTube
“Maganda rin palang libangan. Para pagpapapawis, nag-eensayo ka,” aniya.
Bagama’t pinagpapawisan naman, hindi man lang nakaramdam ng pagod o bagot si Jimmy. Mukha pa ngang nag-eenjoy ang komedyante sa ginagawa dahil talagang napapakanta pa siya! Marahil ay marami sa netizens ang nagtataka kung bakit nga ba ito ginagawa ni Jimmy Saints na kung tutuusin, sobrang dami namang opportunities para sa kanya sa industriya ng showbiz pero dahil sa vlog ni Jimmy ay maraming netizen ang natutuwa at nagsabing dapat mapanood ng marami ang mga video blog ng komedyante. Ito ay dahil mapupulutan ito ng maraming kaalaman.