Jimuel Pacquiao, nakatanggap ng isang birthday surprise mula sa kanyang rumored girlfriend

Spotted sa 20th birthday celebration ng panganay na anak ni boxing champ Senator Manny Pacquiao na si Jimuel ang Star Magic artist at rumored girlfriend nito na si Arabella del Rosario.

Credit: @pacquiao.emmanuel Instagram

Sinurpresa mismo ni Arabella si Jimuel sa kaarawan nito noong February 6. Sa serye ng Instagram stories ni Arabella, makikita siyang may hawak na cake habang naghihintay na pumasok si Jimuel sa bahay nito.

Larawan nga ang gulat sa mukha ni Jimuel nang umulan ng confetti at magsimulang kumanta ng “Happy Birthday” ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa pangunguna ni Arabella.


Mapapanood din sa video ang matamis na pagtitinginan nina Jimuel at Arabella. Makikita rin sa video ang ina ni Jimuel na si Jinkee Pacquiao.

Present naman sa birthday party ng binata ang na-link sa kanya noong aktres na si Barbie Imperial.

Sa panayam ni Jimuel noong February 2020 sa “Tonight with Boy Abunda”, nilinaw naman niya na mabuting magkaibigan lamang sila ni Barbie.

Noong Bagong Taon, pinatunayan naman ni Barbie na walang namamagitan sa kanila ni Jimuel nang isinapubliko nila ng aktor na si Diego Loyzaga ang kanilang relasyon. Maging si Diego nga ay dumalo rin sa birthday celebration ni Jimuel.

Credit: @pacquiao.emmanuel Instagram

Noong December 2020 naman unang pumutok ang mga balitang si Arabella ang bagong nagpapatibok sa puso ngayon ni Jimuel matapos silang mag-post sa kani-kanilang Twitter account ng sweet photos nilang dalawa na magkasama.

Gayunman, wala pa ring opisyal na pahayag na inilalabas ang dalawang Star Magic artist tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Bago ito, matatandaan na nasangkot sa kontrobersiya si Jimuel noong nakaraang taon matapos lumabas ang isyu nang paghingi hindi umano ng kanyang ex-girlfriend na si Heaven Peralejo ng 100 libong pisong ‘ayuda’ sa kanyang ama na si Senator Manny. Mariin namang itinanggi ni Jimuel ang paratang ng kolumnistang si Lolit Solis tungkol kay Heaven.

Sa isang pahayag sa Instagram, iginiit ni Jimuel na hindi si Heaven ang tipo ng babae na manghihingi ng pera.

Credit: @pacquiao.emmanuel Instagram

“I would like to clarify that the issue posted by Lolit Solis and fashionpulis about Heaven is false. There was no money given and there was no communication,” pahayag ni Jimuel sa kanyang Instagram story.

Dagdag niya, “We keep getting involved in these issues and I just want to clear things up. She is not the type of girl and we are in good terms so no need for all the bashinig.”

Kalaunan ay nabigyang-linaw din ang isyu at humingi na rin ng paumanhin si Lolit dahil sa kanyang maling balita tungkol kay Heaven.