Parte ng sinusumpaan ng mga nagpapakasal na mag-irog ay ang magsasama sila sa hirap man o sa ginhawa ngunit hindi lahat ay natutupad ang pangako na ito at kalaunan ay sumusuko na lamang.
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Kaiba rito ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao kung saan nagsimula sa salat at ngayon ay ipinagpala ang kanilang pamilya. Ngunit isa sa mga binabatong intriga sa maybahay ng pambansang kamao ay ang isyu na piniperahan umano niya si Manny.
Sa isang interview na ginawa ni Vicki Belo kay Jinkee ay diretsahang sinagot ni Jinkee ang isyu na ito. Inamin ni Jinkee na ito ang isyung binato sa kanya na pinaka-hate niya.
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
“Before, nu’ng bago palang kami ni Manny, parang pineperahan dahil nagka-pera na ganu’n. Parang pera lang ang habol dahil nag-champion sa boxing. Nu’ng naging mag-asawa nga kami ni Manny, natalo siya nu’ng after kami kinasal,” ani Jinkee.
Ikwinento ni Jinkee na dumating sa punto na wala pa silang pera at kailangan ni Manny ng pocket money para sa pageensayo ay siya ang naghahanap ng mga taong pwedeng ma-utangan.
“Nako, madami kaming experience na mangungutang lang para lang makapag-ensayo siya sa Davao o Manila. Kailangan may pocket money,” pagsasalaysay ni Jinkee.
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Idinagdag ni Jinkee na maraming malapit sa kanila ang nakakaalam ng humble beginning nilang mag-asawa.
“Alam ‘yan ng mga ninang namin kasi ginigising namin sila ng maaga. ‘Ninang, help me, help us’.”
Sinabi din ni Jinkee na hindi sumagi sa kanyang isip kahit kailan kung kakayanin siyang buhayin ni Manny.
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
“Never kong iniiisip sa kanya na ‘Mabubuhay kaya ako nito?’ Parang hindi ako nag-isip ng ganu’n,” pagkikwento ni Jinkee.
Ayon kay Jinkee ay hindi niya inexpect na mag-iiba ang takbo ng kanilang buhay at mapagkakalooban sila ng marangyang pamumuhay. Ang sigurado lang si Jinkee ay nagmamahalan sila ni Manny at magkasama nilang kakaharapin ang mga masasaya at mabibigat na kakaharapin sa buhay.
“Hindi. ‘Di ba hindi mo naman [hawak] ang future? Kumabaga, God holds the future. Hindi mo naman alam kung ano ang future mo dito. Basta nagmahal ka lang, magkasama kayo, may mga ups and downs. Pero hindi mo alam kung ano ang mangyayari in the future.”