Ngayong panahon ng qu@rantine ay kinabog ng maybahay ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee ang lahat pagdating sa pagiging plantita dahil sa kanyang hindi mabilang na pagmamay-aring halaman na karamihan ay “rare species” pa.
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Sa likod naman ng napakagandang landscape ng garden nina Jinkee na madalas nating makita sa kanyang social media posts ay ang napakahusay na landscaper na si Roize Royal.
Nakabase sa General Santos City si Roize at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ni Jinkee pagdating sa pagpapaganda ng kanilang garden sa kanilang ikalawang mansyon sa lungsod.
Credit: Dyan Castillejo YouTube
Kamakailan ay sinamahan ni Roize ang sports reporter at matalik na kaibigan ni Jinkee na si Dyan Castillejo sa kanyang ginawang garden tour sa Mansion 2 ng pamilyang Pacquiao sa Gensan na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel.
Talagang mapapa-wow ka sa dami at iba’t ibang klase ng halaman na matatagpuan sa mansyon nina Manny at Jinkee.
Credit: Dyan Castillejo YouTube
Sa part 1 ng garden tour, nagsimula sina Dyan sa basketball court ni Manny. Kung noon ay wala pang halaman na nakapaligid sa lugar, ngayon ay puno na ito ng iba’t ibang uri ng halaman. Isa sa mga kapansin-pansin sa landscape ng garden ay ang nakasabit na napakaraming Pedilenthus plant o tinatawag din na “Curly Tops”.
Credit: Dyan Castillejo YouTube
Pagkalampas sa basketball court ni Manny, sasalubungin ka ng tinatawag ng pamilyang Pacquiao na “Bulwagan” kung saan mayroon itong Japanese Zen vibes. Sa Bulwagan, ginaganap ang mga hapunan at pagdiriwang tuwing may panauhin si Manny. Highlight ng garden ng Bulwagan ang isang Giant Bonsai Tree na ayon kay Roize, maaaring nagkakahalaga ng hanggang sa 100K.
Agaw-pansin din para sa mga bisita ang isang malaking halaman na hinugis tulad ng isang “boxing pose” hango sa ginagawa ni Manny tuwing siya ay sasabak sa pagboboxing.
Credit: Dyan Castillejo YouTube
Isa sa mga diskarteng ginamit ni Roize upang mapagbuti ang kagandahan ng mga halaman ni Jinkee ay ilagay ang mga ito sa magaganda at malalaking mga banga at kaldero. Ipinaliwanag ni Roize na ang mga ordinaryong halaman ay nagiging mas “natitirang” at “head-turner” kapag inilagay ito sa “pambihirang kaldero”.
Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Papunta sa Main House ng mansyon, makikita naman ang nag-iisang halaman na hiniling ni Manny na mailagay sa kanilang hardin at ito ay isang Variegated African Talisay. Kwento ni Roize, ito ang pinakapaboritong halaman ni Manny sa lahat ng halaman sa kanilang mansyon.
Samantala, ang pinakapaboritong halaman naman ni Jinkee ay isang Philodendron Pink Princess na ipinasilip ni Roize sa part 2 ng garden tour ni Dyan. Maliban dito, ibinida rin nila ang ilan pa sa mga hindi pangkaraniwang halaman na pag-aari ni Jinkee tulad ng Silver Buttonwood, Aglaonnema Plants at siyempre ang iba’t ibang klase ng Alocasia plants tulad ng Giraffe Alocasia at mga rare Variegated Alocasia.