Kung mayroon mang paligsahan sa pagandahan ng alagang halaman ngayong qu@rantine ay tiyak na waging-wagi rito ang misis ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao.

Kamakailan lang ay binulabog ni Jinkee ang social media matapos siyang magbahagi ng isang larawan kung saan ay makikita sa background niya ang isang kakaibang uri ng Variegated Alocasia Elephant Ear o tinatawag din na “Giant Taro”.

Ani Jinkee sa caption ng Instagram post, “When you woke up this morning, God gave you a gift called “today”. Always remember how precious this gift is because you can never get back the time that has gone by.”

Maraming plant enthusiast o kilala rin bilang Plantito at Plantita ang naiinggit sa halamang pagmamay-ari ni Jinkee.

Ayon sa mga plant enthusiast ay maaaring aabot sa humigit-kumulang P20K ang halaga ng halaman base na rin sa laki, uri at kulay nito.

Bukod dito ay mapapansin sa mga post ni Jinkee na mahilig na talaga siya sa mga halaman bago pa man nauso ito ngayong qu@rantine.
Sa katunayan ay hinahangaan si Jinkee dahil sa ganda ng mga halaman and garden nito sa kanilang mga mansyon.
Sa isang Facebook page ng mga plant enthusiast na “Plant Hub Philippines”, ay binaha ng samu’t saring komento ang larawan ni Jinkee.

Iisa naman ang hatol ng mga Plantito at Plantita kung sino ang nagwagi sa “Plantita Race”. Anila, panalong-panalo raw si Jinkee dahil sa napakaganda at napakamahal niyang halaman.

Biro pa ng ilang netizens, kahit daw sa mga halaman ay pinagmumukha silang mahirap ni Jinkee. Narito ang ilang komento ng netizens:

“Hanggang sa halaman ba naman Jinky pinamukha mong poor kami!?! Inaano ka ba ng makahiya namin?!”

“May nanalo na hahhaha kinabog ang lahat left.The.Group.Na”
“Sabi nga “if you cant go to the jungle, bring the jungle in your house”
“Whewwww!!! Gravvveee si madame Jinkee!!! Uwi na tau…winner na eh”

“Kahit gano kamahal ng halaman kayang kaya niya bilhin, damit nya nga lang na pambahay yaman kona ata”
“ang ganda ni madam jinky lalo ung variegates na elephant ear bka pati paso mlaginto ang presyo”