Hinahangaan ng marami ang kakaibang closeness ng mag-inang Jodi Sta. Maria at Thirdy Lacson. Si Thirdy ay ang 14 na taong gulang na anak ng aktres sa kanyang dating asawa na si Panfilo “Pampi” Lacson Jr.

Lumabas na noon sa ilang advertisements sa telebisyon si Thirdy kasama ang kanyang Mommy Jodi. Kaya naman marami ang nakapagsabi na mabilis talagang lumipas ang panahon dahil ngayon ay binata na si Thirdy.

Kamakailan ay sinagot nina Jodi at Pampi ang ilang tanong ng mga netizen tungkol sa kanilang relasyon bilang mag-ina.
Kamakailan, sumabak sa isang make-up challenge si Thirdy kung saan ay minake-upan niya ang kanyang Mommy Jodi.

At habang mini-make-upan naman ni Thirdy ang kanyang Mommy Jodi ay isa-isa nilang sinagot ang mga tanong ng mga netizen tungkol sa kanilang relasyon bilang mag-ina.

Ayon kina Jodi at Thirdy, paborito nilang bonding na mag-ina ang pagta-travel ngunit ngayong may p@ndemya ay naging bonding umano nilang dalawa ang pagwo-workout, paggawa ng mga homework ni Thirdy sa kanyang eskwelahan, at magkwentuhan habang kumakain.

Patunay naman sa magandang relasyon nina Jodi at Thirdy bilang mag-ina ang hindi o bihira lamang nilang tampuhan sa isa’t isa.
Aminado si Jodi na kung minsan ay nagtatampo siya sa kanyang anak lalo na kung may mga desisyon ito na hindi sang-ayon sa mga gusto niya. Paboritong lugar naman daw nila ang restaurant dahil mahilig umano si Thirdy na kumain.

Natanong naman si Jodi ng isang netizen kung ano ang naging reaksyon niya nang ipinakilala ni Thirdy sa kanya ang nobya nito.
Pag-amin ni Jodi, nasurpresa umano siya nang ipinakilala ni Thirdy ang nobya nito sa kanya kahit pa inaasahan na niya na darating ang panahon na magkakaroon ito ng nobya.

Ani Jodi, “Alam ko naman na darating ‘yung time na magkakaroon ng girlfriend si Thirdy. It came as a surprise lang to me dahil parang hindi ko ini-expect na agad-agad, now na.”
Katulad ng isang “cool mom” ay ibinahagi ni Jodi na hindi niya pinagseselosan ang nobya ni Thirdy.
Samantala, kahit binata na si Thirdy at may nobya na ay hindi nawawala ang pagiging sweet at malambing niya sa kanyang Mommy Jodi.

Pag-amin pa ni Thirdy, hindi niya alintana kapag “bine-baby” siya ng kanyang Mommy Jodi. Inilarawan naman ni Thirdy bilang mapagmahal, maalaga at “the best” ang kanyang ina.
At kung si Thirdy ang tatanungin, “deserve” ng kanyang Mommy Jodi ang buong mundo dahil sa mga sakripisyo na ginagawa nito bilang isang ina.
Sa huli, isa lamang ang mahihiling ni Jodi para sa kanyang anak. Ani Jodi, “I hope anak, you live a life that you can be proud of.”

Si Jodi ay kasalukuyan pa rin na bumibida sa Kapamilya drama series na “Ang Sa Iyo Ay Akin”.