Jodi Sta. Maria, binalikan ang masasayang alaala kasama ang mga cast ng “Tabing Ilog” sa pagbisita niya sa Pagsanjan, Laguna

Isa sa mga nagpakilig at nagbigay ng maraming aral sa lahat noong dekada 90 ay ang Kapamilya teen drama series na “Tabing Ilog”. Kabilang ang “Tabing Ilog” sa mga talagang hindi malilimutang palabas noong dekada 90.

Credit: Jodi Sta. Maria PH YouTube

Espesyal naman para sa aktres na si Jodi Sta. Maria ang “Tabing Ilog” dahil ito ang pinakaunang regular show na ginawa niya sa ABS-CBN. Nagsisimula pa lamang noon si Jodi sa kanyang karera bilang isang aktres.

Matatandaan na kasama si Jodi, na noon ay dalaga pa, sa mga pangunahing bida ng “Tabing Ilog”. Tumatak din sa karamihan ang kanyang karakter sa nasabing drama serye na si Georgina “George” Fuentebella.

Credit: Jodi Sta. Maria PH YouTube

Kamakailan lamang, muling binalikan ni Jodi ang lokasyon kung saan nila kinunan ang “Tabing Ilog”.
Sa kanyang panibagong travel vlog, ibinahagi niya ang kanyang naging trip sa Pagsanjan, Laguna.

Ayon kay Jodi, mahigit isang dekada na siyang hindi nakapunta sa Pagsanjan kaya naman sobrang excited siya na makita ang dating lugar kung saan nila kinunan ang “Tabing Ilog”.

“Na-eexcite ako kasi it’s been more than 15 years since huli akong nakatapak sa Pagsanjan, Laguna,” saad ni Jodi sa simula ng vlog.

Credit: Jodi Sta. Maria PH YouTube

Dagdag niya, “I’m very excited na bumalik sa Pagsanjan. I’m sure maraming memories ang magbabalik.”

Habang papunta ng Pagsanjan ay nagbigay si Jodi ng ilang sikat na tourist destination na maaari namang puntahan sa Los Baños, Laguna tulad ng Pansol at Mt. Makiling.

At nang marating na niya ang Pagsanjan ay unang ipinakita ni Jodi ang Pagsanjan Arch o Arco Real na bubungad kaagad sa mga turista kapag papasok na sila sa town proper ng lugar.

Binisita rin ni Jodi ang nag-iisang Roman Catholic Church sa Pagsanjan na “Our Lady of Guadalupe Parish Church”.

Mukhang maraming alam na tourist spot sa Laguna si Jodi dahil isa-isa niyang ibinahagi kung saan pa pwedeng mamasyal ang mga bakasyunista.

Credit: Jodi Sta. Maria PH YouTube

Mungkahi ni Jodi na bisitahin ng mga tao ang Pagsanjan Falls, Devil’s Cave, ang “embroidery capital of the Philippines” na Lumban at ang Paete na siyang “carving capital of the Philippines”.

Nagbalik naman ang maraming alaala kay Jodi noong ginagawa nila ang “Tabing Ilog” nang marating na niya ang lokasyon ng kanilang set.

Napaka-memorable para kay Jodi ang kalye kung saan matatagpuan ang mga bahay na tinirhan ng mga kasamahan niya sa “Tabing Ilog”.

Credit: Jodi Sta. Maria PH YouTube

Pinuntahan ni Jodi ang bahay na tinirhan ng karakter ni John Lloyd Cruz (Gerry), Mylene Dizon (Rovic), Paolo Contis (Badong), Baron Geisler (Fonzy) at Desiree del Valle (Corrine).

Pinakahuling pinuntahan nga ni Jodi ang iconic na “ilog” kung saan madalas tumambay ang kanilang mga karakter sa “Tabing Ilog”.

At bago umalis sa lugar, pinuntahan muna ni Jodi ang sikat na Aling Taleng’s Halo-halo na nagsi-serve ng pinakamasarap na halo-halo sa Pagsanjan.