Jodi Sta. Maria, ipinamalas muli ang kanyang pagiging adventurous nang bumisita sa probinsya ng Antique

Talagang walang pinapalampas na pagkakataon si Jodi Sta. Maria dahil palagi niyang sinusulit ang bawat araw na gumawa ng makabuluhang bagay.

Credit: @jodistamaria Instagram

Isa si Jodi sa mga kinikilala at sikat na aktres sa showbiz dahil sa kanyang hindi maitatangging kahusayan pagdating sa larangan ng pag-arte. Mula pa man noon hanggang ngayon na 39 taong gulang na, nananatili pa rin si Jodi sa tuktok ng kanyang career bilang isang artista dahil sa kabila ng katotohanang patuloy ngayong dumadami ang pagdating ng bagong mga aktres sa industriya, wala pa ring makakapantay sa angking galing ng nag-iisang Jodi Sta. Maria!

Credit: @jodistamaria Instagram

Ngayon na bibida at muling pagpapamalas ng talento sa pag-arte sa inaasahan at inaabangang teleserye na “The Broken Marriage Vow” kung saan ay makakasasama niya sina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez at iba pa, talagang tuloy-tuloy ngayon ang pagtatrabaho ni Jodi kaya naman nang nagkaroon ng pagkakataon na makapag-relax, hindi nagdalawang-isip ang aktres na mag-enjoy at subukan ang iba’t-ibang adventures.

Credit: @jodistamaria Instagram

Nito lamang buwan ng Pebrero nang nagsimula si Jodi na sumubok ng iba’t ibang mga bagay kung saan ay sobra siyang nag-enjoy sa trekking na ginawa niya nang nasa Inti Punku, Peru at pagswi-swimming sa ipinagmamalaking “subterranean water” ng Mexico.

Ibinahagi rin niya sa Instagram ang mga larawang kuha sa ginawang off-roading sa Rizal, ang nakaka-excite niyang karanasan nang nag-zip line sa Bataan, at nang nag-scuba diving sa isla ng Boracay.

Credit: @jodistamaria Instagram

Talagang punong-puno ng magagandang karanasan mula sa ginawang adventures ang buong taon ni Jodi na talaga namang deserve na deserve niya matapos ang napaka-busy na schedule.

Nito lamang Martes, December 7 nang nagpunta si Jodi kasama ang kanyang anak na si Thirdy sa Antique kung saan ay sinubukan nila ang white water river tubing. Kahit na’y rumaragasa ang tubig, hindi ito naging hadlang upang makapag-enjoy ang mag-ina.

Credit: @jodistamaria Instagram

“Caption this 😉 Magandang umaga 🤍 Kruhay Antique! ❤️” sulat ni Jodi sa kanyang caption kalakip ng mga larawang kuha sa kanilang adventure sa nasabing lugar.

Makikita naman sa bawat larawang ibinahagi ni Jodi sa kanyang Instagram account ang magkahalong takot, saya at excitement dulot ng thrill na dulot ng panibagong adventure.

Credit: @jodistamaria Instagram

Kahit na’y busy ngayon sa trabaho, hindi pa rin nakakalimutan ng aktres na maglaan ng oras para sa sarili at magkaroon ng pagkakataon na maka-bonding ang anak.

Talagang walang kinikilalang pagod ngayon si Jodi dahil game na game pa rin siya sa bawat adventures at mas ginaganahan pa sa buhay ngayong muli siyang napapalapit sa kalikasan.