Jodi Sta. Maria, matagumpay na naipasa ang kanyang thesis at nalalapit na sa pagtatapos ng kanyang kurso sa kolehiyo

Pinatunayan ng aktres na si Jodi Sta. Maria na hindi pa huli ang lahat upang makamit ang kanyang pangarap matapos na matagumpay na maipasa ang kanyang final thesis na ibinahagi niya sa Instagram.

Credit: @jodistamaria Instagram

“Wanted to share this with all of you! I passed my final defense this afternoon. Being grilled for more than three hours was no joke… but I must say all the sleepless nights, the sacrifices, the hours spent in front of the computer to source out materials for my paper, were worth it. Marching soon!” saad ni Jodi sa kanyang Instagram story noong Sabado, June 5 kasama ang screenshot ng kanyang virtual def3nse.

Credit: @jodistamaria Twitter

Ibinahagi din ni Jodi ang nasabing larawan sa kanyang Twitter nang araw na ‘yon at pinasalamatan ang mga sumuporta sa kanya.

“I want to thank everyone who prayed for me and those who sent messages of encouragement. Maraming salamat! Malapit na ang graduation!!”

Credit: @jodistamaria Instagram

Kasalukuyang nag-aaral ng BS Psychology sa Southville International School and Colleges ang aktres simula pa noong June 2017.

Matapos ang apat na taong pag-aaral at naipasa n’ya ang thesis defense, nakatakda na siyang magmartsa para sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo.

Credit: @jodistamaria Instagram

Ibinahagi ng aktres na bilang isang ment@l he@lth advocate, nais niyang gamitin ang degree upang magkaroon ng maliit na ment@l he@lth clinic sa hinaharap.

Sa kabila ng pag-aaral, patuloy naging aktibo si Jodi sa kanyang career, ilang major roles ang kanyang ginawa, kabilang dito ang “Sana Dalawa Ang Puso,” “Sino Ang May Sala?,” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” at “Clarita”.

Credit: @jodistamaria Instagram

Kahit pinagsabay niya ang kanyang pag-aaral at pag-aartista, hindi siya nawawala sa pagiging dean’s lister at palaging top student sa kanilang klase.

Ang 38 years old na aktres ay masikap na inaabot ang kanyang pangarap hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para na din sa kanyang anak na si Thirdy. Sinabi ni Jodi na nais niyang magtapos sa pag-aaral upang maging magandang halimbawa sa kanyang anak.

Credit: @jodistamaria Instagram

Kaya naman hindi lamang sa pagiging mahusay na artista iniidolo si Jodi ng mga netizen, kundi sa pagiging isang magandang halimbawa na walang imposibleng makamit ang pangarap ng taong masikap at masipag.