John Arcilla, game na sinasagot ang mga komento sa kanya ng mga netizen para sa kanyang karakter sa “FPJ’s Ang Probinsyano”

Kilala bilang isang mahusay na aktor si John Arcilla. Magaling siyang gumanap maging bida man o kontrabida ang karakter na kanyang gagampanan.

Credit: @johnarcilla Instagram

Makikita ang husay ng aktor sa kanyang pagganap bilang si Hipolito, ang patuloy na nagpapahirap sa bida ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na si Cardo.

Painit nang painit ang mga tagpo sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at talaga namang usap-usapan ngayon ang naging engkwentro muli ng grupo nina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Renato Hipolito (John Arcilla).

Credit: @johnarcilla Instagram

Dahil dito iba’t ibang komento ang natatanggap ng mga artista sa kani-kanilang social media, lalo na sa kontrabida na si John Arcilla.

Isang netizen ang nag iwan ng komento na kinaaliwan ni John kaya naman ibinahagi ito ng aktor sa kanyang Instagram.

“Mr. Hipolito hayaan mo na sana sina Cardo at ang mga agila, simula pa nung biyernes takbo na sila ng takbo, wag nyo na sila habulin, pagod na pagod na si Aling Virgie kakatakbo, may tama pa ng b@la si Major Roxanne, please tama na po kahahabol, nauubusan na din sila ng b@la kaka b@ril sa inyo, kapag naubusan ng dug0 si Manager Ramil, malamang mam@tay din yun, nakakaawa si Don Ramon binar!l mo na binar!l pa ng kasama moh tsk!” komento ng netizen.

Credit: @johnarcilla Instagram

Dagdag pa ng naturang netizen, “Anyway God Bless you po Mr. Hipolito.. PS: Sana mapagod din kayo kakahabol sa kanila.”

Credit: @johnarcilla Instagram

Ang nasabing komento ay iniscreenshot ni John at ipinost sa IG niya.

Natawa naman si John at sinabi sa caption ng kanyang post, “Sobrang NAALIW LANG AKO sa comment ng isang fan ng Ang Probinsyano. Kakatuwa lang kasi napaka PLEASANT hindi siya ANTAGONISTIC. Thank you po for supporting FPJ AP!”

Marami pang netizen ang nagkomento sa IG post ni John lalo na at nakikisakay ito sa kanila at sumasagot bilang si Mr. Hipolito.

May isang netizen ang nagpadala ng nakakatawang komento kay John at sinabing, “Habulin mo nga din ako Mr. Hipolito! Hahaahh sana all hinahabol. Hahahaha”

Credit: @johnarcilla Instagram

Tuwang-tuwa ang mga netizen sa oras na inilaan ni John para sa kanila. Malaki man ang g@lit nila kay Mr. Hipolito, mataas naman ang respeto at paghanga nila kay John na isang tunay na mahusay na aktor.