Maraming tagahanga ng aktor na si John Lloyd Cruz ang nalungkot matapos niyang i-anunsyo noong 2017 na pansamantala muna siyang magpapahinga sa mainstream showbiz.
Credit: @johnlloydcruztm Instagram
Matapos naman ang apat na taon mula nang magdesisyon siyang talikuran muna ang makinang na mundo ng showbiz, ibinahagi ni John Lloyd na balik-telebisyon na siya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, lumitaw si John Lloyd sa isang interview para sa lingguhang online talk show ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na “Uncut” kung saan ay nakapanayam siya ng chairman ng ahensya na si Rachel Arenas.
Credit: @johnlloydcruztm Instagram
Sa nasabing panayam, ibinahagi ni John Lloyd ang mga aral na natutunan niya mula sa kanyang break sa showbiz.
Ayon kay John Lloyd, isang “necessary pause” ang pansamantalang pagliban niya sa showbiz. At kahit tumigil umano siya sa showbiz, inamin ng batikang aktor na pakiramdam niya ay hindi siya tumigil sa pagtatrabaho.
Credit: @johnlloydcruztm Instagram
Kahit kasi hindi na siya napapanood sa telebisyon ay gumagawa pa rin umano siya ng pelikula. Isa na nga rito ang pelikulang ginawa niya kasama ang filmmaker na si Lav Diaz na “Servando Magdamag” na isinulat naman ni Ricky Lee na aniya, malapit na umanong matapos.
Ikwenento rin ni John Lloyd kung paano binago ng kanyang anak sa kanyang dating kasintahan na si Ellen Adarna na si Elias Modesto ang kanyang buhay.
Credit: @johnlloydcruztm Instagram
Pag-amin ni John Lloyd, para umano siyang nagkaroon ng “bagong buhay” mula nang dumating si Elias. Ibinahagi naman ni John Lloyd ang pangarap niya para sa kanyang anak.
Aniya, “Para sa akin, magawa niya lang kung ano ‘yung talagang hangad ng damdamin niya or kung ano ang gusto niyang gawin. Kung gusto niyang maging astronaut o kung gusto niyang maging tambay, kung ano ang gusto niyang gawin…susuporta lang ako.”
Credit: @johnlloydcruztm Instagram
Samantala, tinanong din si John Lloyd kung 100 porsyento na ba siyang magbabalik sa kanyang pagtatrabaho bilang isang aktor na matapat naman niyang sinagot.
Ani John Lloyd, “Kung sasabay din sa panahon parang you’d be wondering ano ba ang usual, ano ba ‘yung 100 percent. Medyo nagba-vary po yata talaga ‘yun, especially, kung sino ‘yung magpe-perform ng [trabaho]. Para sa akin, maganda ‘yung opportunity na ‘to para malaman ko, kasi kung ano mga hindi nag-work before, I would want to correct it now. Now, that I have a chance.”
Credit: @johnlloydcruztm Instagram
Noong magpasya si John Lloyd na iwanan ang showbiz upang mamuhay nang simple, maraming pumuri sa kanya dahil isang matapang na desisyon umano ang kanyang ginawa.
Ngunit ang tanong, mayroon bang pinagsisisihan si John Lloyd sa kanyang buhay bilang isang aktor o bilang isang tao?
Sagot ni John Lloyd: “I guess dapat walang regrets eh, only lessons learned.”
Sa kasalukuyan, may nilulutong sitcom si John Lloyd sa ilalim ng Brightlight Productions para sa TV5 network.