John Lloyd Cruz, inaming hindi pa siya handang maging ama nang dumating ang anak nila ni Ellen Adarna

Maraming mga hindi inaasahang pangyayari na dumarating sa ating buhay at para sa batikang aktor na si John Lloyd Cruz ito ay ang pagkakaroon niya ng anak.

Credit: @johnlloydcruz83 Instagram

Tunay na binago ng anak nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto ang buhay ni John Lloyd. Ngunit pag-amin niya, noong isilang ito ay hindi pa siya handang maging ama.

Ito ang inamin ni John Lloyd sa eksklusibong panayam sa kanya ng beteranang journalist na si Karen Davila.

Pag-amin ni John Lloyd, “Hindi [ako ready]. Tingin ko isang bagay siya na akala mo ready ka because you wanted it. We like to believe na we are in control. We like that idea na ‘Hindi, it’s my plan. Plinano ko iyan.’”

Credit: @johnlloydcruz83 Instagram

Ayon pa sa aktor, matagal din bago niya natanggap ang katotohanang hindi planado ang pagdating ni Elias sa kanyang buhay.

“It took me a while para matanggap na akala mo ginusto mo, akala mo plinano mo but in reality, especially ngayon after tatlong taon, iba eh,” aniya.

Dagdag pa niya, “And it won’t be as humbling kung ‘Talaga, naplano mo? Paano mong naplano ‘yung ganung bagay?’”

Credit: @johnlloydcruz83 Instagram

Giit pa ni John Lloyd, walang tao ang magagawang planuhin kung magiging isang magulang sila.

“Kasi it’s beyond words. Describing being a father especially nung lumabas siya, there’s no way na merong tao na naplano ‘yung ganoon ka-weird and ka-radical na bagay. That’s a life. Buhay ‘yung lumabas because of your responsibility,” manghang paliwanag ni John Lloyd.

Tahasang inihayag naman ni John Lloyd na hindi siya natakot sa responsibilidad na kaakibat ng pagiging isang ama.

Credit: @johnlloydcruz83 Instagram

“I didn’t get scared (sa mga responsibilities) at all. I was scared to admit na parang medyo it’s a little bit too much than what I expected. Pero I think that’s the whole essence of it,” saad niya.

Bilang ama, sinabi ni John Lloyd na ang kanyang anak ang ‘pinakamagandang bagay’ sa kanyang buhay ngayon. Ibinahagi rin ni John Lloyd na marami siyang natututuhan sa kanyang anak.

At kahit hindi pa siya handang maging ama noon, masasabi naman ni John Lloyd na napakaganda ng “timing” ng pagdating ni Elias sa kanyang buhay.

Saad niya, “Probably the most fascinating thing in my life right now. What I’m learning from him, what I’m learning about him, ang galing. Parang you’ll submit to it…’Yung timing niya sa buhay ko napakaganda.”

Nang matanong kung magpapakasal ba siya balang araw, makabuluhang sagot ni John Lloyd, “Alam mo, mahirap magsalita nang tapos, e…Sometimes we do things para sa mga love natin…You’ll never know kung anong puwede mong gawin when you’re in love.”

Credit: @johnlloydcruz83 Instagram

Samantala, kahit maraming beses nang nabigo sa pag-ibig, sa huli ay positibo si John Lloyd na balang araw ay muli siyang magmamahal.