John Lloyd Cruz, nakatanggap ng sweet na regalo mula sa anak nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto

Kilalang celebrity heartthrob si John Lloyd Cruz sa mundo ng showbiz. Bukod sa kanyang angking kagwapuhan ay hindi naman maitatanggi ang kahusayan ni John Lloyd pagdating sa pag-arte. Sa bawat pelikulang pinagbibidahan ng aktor ay kadalasan itong nakakabuo ng chemistry sa love team niya dahilan para kiligin ang kanilang mga manonood at tagahanga.

Credit: @johnlloydcruz83 Instagram

Isa rin siya sa mga aktor na talagang kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Sa patuloy na pagsikat sa mundo ng showbiz ay mas lalong dumami ang taong humahanga sa kanya.

Marami na rin siyang pinagbidahan mapa-teleserye man o pelikula at halos lahat ng ito ay patok sa masa. Katulad na lamang ng One More Chance kasama si Bea Alonzo, isa sa mga kilalang artista, A Very Special Love, at Miss You Like Cr@zy.

Sa matagumpay niyang career bilang isang proud Filipino actor sa loob ng ilang taong pagtatrabaho sa industriya ng showbiz ay naiwang gulat ang kanyang mga tagasubaybay nang pansamantalang iwan ng aktor ang showbiz noong taong 2018.

Credit: @johnlloydcruz83 Instagram

Sa parehong taon ay umugong din ang balitang may relasyon sila ng artista at modelo na si Ellen Adarna. Naging biglaan ang kanyang pag-alis sa showbiz dahil sa pagbubuntis ng girlfriend na si Ellen sa kanilang anak.

Sa loob ng mahigit tatlong taon ng hindi nakikita si John Lloyd sa TV ay na-miss siya ng marami lalo na ng kanyang mga fans. Nito lamang taon nang napagdesisyunan ng aktor na bumalik ulit sa showbiz matapos ng matagal na hiatus.

Credit: @iammajasalvador Instagram

Isa rin sa kinawiwilihan ng netizens ang anak ng aktor na si Elias. Dahil sa cuteness nito ay patuloy siyang tinututukan ng publiko.

Credit: @jlc_bea4ever Instagram

Buwan ng Hunyo nang ipinagdiriwang ng lahat ang Father’s Day upang magbigay pugay, pagpapasalamat, at magbigay karangalan sa ating mga ama.

Credit: @jlc_bea4ever Instagram

Noong nakaraang Biyernes nang nagpuntang Boracay island ang mag-ama para sa maikling bakasyon upang ipagdiwang ang triple event: Father’s Day, 38th birthday ni John Lloyd at kaarawan ng anak na si Elias.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JLC_BEA4EVER (@jlc_bea4ever)

Kasama ng mag-ama ang ilang kaibigan at katrabaho ni John Lloyd sa showbiz. Isa na nga rito ay si Maja Salvador na siyang chief executive officer sa talent agency na kinabibilangan ni John Lloyd ngayon.

Credit: @jlc_bea4ever Instagram

Sa unang araw ng mag-ama sa Boracay ay nakatanggap si John Lloyd ng Fathers Day card galing sa 3-year-old na anak. Bukod rito ay nakatanggap rin siya ng mahigpit na yakap at matamis na halik mula sa kanyang pinakamamahal na anak na lubusan namang ikinasaya ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador)

Marami namang na-touch sa ginawa ni Elias para sa kanyang ama. Dahil dito ay hindi maipagkakaila ang pagiging close ni John Lloyd sa kanyang anak na si Elias.