Tuloy na tuloy na ang pagbabalik sa telebisyon ng ‘Box-Office King’ na si John Lloyd Cruz at una siyang mapapanood ng kanyang fans matapos ang mahabang taon na pamamahinga niya sa showbiz sa Kapuso network.
Credit: @johnlloydcruz83 Instagram
Pagkatapos ng kanyang pasab0g na showbiz comeback announcement nito lamang nakaraang linggo, muli ay ginulat ni John Lloyd ang kanyang fans matapos siyang pumirma ng kontrata sa ilalim ng pagmamay-aring production company ng ‘Wowowin’ host na si Willie Revillame.
Unang magsasama ang dalawang bigating artista sa isang TV special na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum ngayong darating na 6-6 Shopee Super Mega Fiesta kung saan ay special guest ni Willie si John Lloyd.
Mapapanood ang nasabing TV special ngayong darating na June 6, alas-2 ng hapon sa GMA-7.
Credit: @johnlloydcruz83 Instagram
Maliban sa kanilang dalawa, present din sa naturang contract signing ang legal counsel ni Willie na si Atty. Ferdie Domingo at ilang mga Shopee executive.
Mapapanood sa video ang pagpirma ni John Lloyd ng kontrata at ang masayang pag-welcome sa kanya ni Willie.
Saad ni Willie sa video, “Tonight is history.”
Dagdag niya, “More to come. Welcome to your new family, my production!”
Credit: @johnlloydcruz83 Instagram
Samantala, marami ang excited na sa pagbabalik sa mainstream television ni John Lloyd. Matatandaang mula nang inanunsyo ni John Lloyd ang kanyang ‘indefinite leave of absence’ sa showbiz noong 2017 ay hindi na siya napanood ng kanyang fans sa isang live show. Kaya naman kaabang-abang ang nalalapit na palabas nila ni Willie sa Kapuso network.
Nagsimulang umarte si John Lloyd sa murang edad. Kilala siya sa kanyang role bilang ‘Rovic’ sa sikat na teen drama noong dekada 90 na ‘Tabing Ilog’ .
Kalaunan, umusbong ang katanyagan ni John Lloyd at nagkaroon siya ng maraming teleserye at pelikula.
Credit: @willrevillame Instagram
Ang huling pelikula naman na kanyang pinagbidahan bago niya ibinalita ang kanyang pag-alis sa showbiz ay ‘Finally Found Someone’ kasama si Sarah Geronimo, na naging box-office hit noong 2017.
Bukod naman sa pagiging aktor, isa na ring ganap na tatay si John Lloyd sa kanyang anak sa dating nobya na si Ellen Adarna na si Elias Modesto.
Si John Lloyd ay kasalukuyang nasa ilalim ng talent agency ng aktres na si Maja Salvador na Crown Artist Management (CAM).